Tree planting isinagawa sa apat na Barangay ng Nueva Ecija

NUEVA ECIJA (Eagle News) – Muling nagsagawa ng tree planting activity ang Pantabangan Carranglan Bantay Watershed Protection Council sa apat na Barangay ng Nueva Ecija. Layunin nito na mapanatili ang watershed at magpatuloy ang kampanya ukol sa kamalayan ng mamamayan ukol sa kahalagahan ng kagubatan.

Ang apat na barangay na pinagsagawaan ng tree planting ay ang mga sumusunod:

  • Barangay Salazar, Carranglan, Nueva Ecija
  • Barangay RA Padilla, Carranglan
  • Barangay Pamalyan, Pantabangan, Nueva Ecija
  • Barangay Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija

Matapos ang aktibidad ay isinagawa naman ang maikling pulong upang talakayin ang proteksyon at pangangalaga sa mga nakatanim na seedlings. Ipinamahagi rin ang mga bota at kapote sa mga kasapi ng naturang samahan na gagamitin sa panahon ng pagtupad ng kanilang gampanin sa pangangalaga sa kalikasan.

Emil Baltazar – EBC Correspondent, Nueva Ecija