Arraignment ng aktor na si Mark Anthony Fernandez, nasuspinde

ANGELES CITY, Pampanga (Eagle News) – Pansamantalang nasuspinde ang nakatakdang arraignment kahapon ng tanghali, Ocotber 6 sa kasong kinahaharap ng aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Ang pagbasa ng sakdal sa kasong kaniyang kinahaharap ay nakatakda sanang isagawa sa MTC Branch 1112 ng Angeles City, Pampanga.

Kasalukuyan pa rin itong nakakulong sa Station 6 ng Philippine National Police-Angeles City.

Matatandaan na nahulihan kamakailan ang aktor ng isang kilo ng tuyong Marijuana sa loob ng kaniyang kotse sa isang checkpoint ng mga pulis sa Angeles City. Nasasakdal ang aktor sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 o Republic Act 9165 maging sa pagtatangka nitong pagtakas habang inaaresto.

Jo Ann David – EBC Correspondent, Angeles City, Pampanga