Dengue outbreak, idineklara sa Biri, Northern Samar

BIRI, Northern Samar (Eagle News) — Nagdeklara ng dengue outbreak ang Department of Health (DOH) sa bayan naman ng Biri, Northern Samar. Ito’y matapos tumaas ang bilang ng naitalang kaso ng dengue sa nasabing lugar.

Ayon sa Samar-DOH, may isang barangay pa kung saan limang kaso ng dengue ang naitala.

Sa huling datos naman ng ahensya, nasa 4,482 cases na ang naitala sa buong rehiyon ng eastern Visayas.

https://youtu.be/lTJRgbIwKHM