OLONGAPO CITY, Zambales (Eagle News) – Pinarangalan sa mismong “Araw ng Paggawa“ ang isang service crew na si Jessa Bhett Benavidez sa Olongapo City. Ito ay matapos magsauli ng bag na naglalaman ng isang milyong piso. Pinangunahan ni Atty. Wilma Eisma, Subic Bay Metropolitan Authority Administrator and CEO ang pagkilala sa nasabing matapat na empleyado ng isang Japanese Restaurant sa SBFZ. Noong April 25, isang grupo ng foreigner ang kumain sa isang Japanese restaurant sa Olongapo […]
Provincial News
Isang bahagi ng bundok sa Bontoc-Baguio Road, gumuho
BONDOC, Mountain Province (Eagle News) – Bunga ng biglaang pagbuhos ng malakas ng ulan sa Mountain Province ay gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Bontoc-Baguio Road sa may Brgy. Chachakan, Bontoc, Mountain Province. Hindi agad naalis ang lupa at mga bato sa daan dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga bato at lupa sa kalsada. Nagdulot ito ng matinding pagka abala sa mga biyahero dahil tumagal ito ng ilang oras. Ang iba sa mga biyahero ay […]
Safety and Health seminar, dinaluhan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Puerto Princesa, Palawan
PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Nagsagawa ng Safety & Health Seminar ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Hilagang bahagi ng Palawan. Isinagawa ito sa Pilot Elementary School sa lungsod ng Puerto Princesa kung saan dinaluhan ito ng hindi bababa sa 400 na mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Ang aktibidad ay dahil na rin sa sunud-sunod na mga kalamidad at sakuna sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kaya patuloy ang INC sa paglulunsad ng […]
Job fair sa General Santos City dinagsa ng 1,000 job seekers
GENERAL SANTOS CITY, Cotabato South (Eagle News) – Dinagsa ng humigit kumulang 1,000 job seekers ang isinagawang job fair sa KCC Convention Center, General Santos City nitong Lunes, May 1. Inihanda ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Ito ay bilang paggunita sa unang Labor Day sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Layunin nito na makapagbigay ng iba’t ibang trabaho, negosyo at pangkabuhayan. Ito ay may temang […]
Civilian armed forces at armandong grupo, nagkabakbakan sa Sirawai, Zamboanga del Norte
SIRAWAI, Zamboanga del Norte (Eagle New) – Bandang 9:45 nito lamang umaga nang magkabakbakan ang ilang miyembro ng armadong grupo na pinamunuan ng nakilalang Dandi alyas ‘Batoto’ laban sa tropa ng mga Civilian Armed Forces Geographical Units (CAFGU) na pinangunahan naman ni Albert Caduyac. Nangyari ang bakbakan sa Brgy. Tapanayan, Sirawai, Zamboanga del Norte. Sa inisyal na imbestigasyon ng Sirawai Municipal police station, nagsasagawa ng combat patrol ang tropang CAFGU sa nabanggit na lugar kung saan […]
Pagpupuslit ng endangered species, nais ding sugpuin ng DENR
ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Naging sentro ng transportasyon at kalakalan ang Zamboanga City ng mga kababayan nating mula sa Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Mainland ng Zamboanga. Ang lungsod na ito ay may 26 na finger wharf at may isang malaking pantalan na kung saan dinadaanan ng mga kargamento palabas at papasok ng rehiyon. Ayon kay Ginoong Ben Acana, Chief Enforcement Division ng DENR Regional Office 9, kabilang sa mga ipinupuslit ng mga sindikato ang […]
Organic farming isinusulong sa Palawan
(Eagle News) — Isang health and wellness seminar ang isinagawa sa bayan ng Roxas na dinaluhan ng mga nurses, midwives, nutritionist at maging ng mga agricultural technologist at LGU offices head ng nasabing bayan. Layon ng isinagawang seminar na maipabatid sa bawat komunidad kung ano ba ang pinagmumulan at sanhi ng mga sakit na nakapipinsala sa kalusugan ng bawat tao. Ayon kay Dra.Susan Balingit, Guest Speaker sa seminar, ang pagkaing nakahain sa mga hapag […]
AFP-WesMinCom nananawagan sa mga taga-Sulu na makipagtulungan sa militar
ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Nanawagan si Lt. Gen. Carlito G. Galvez, Commander ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) sa mga taga-Sulu na makipagtulungan sa militar. Ituro na rin aniya ang lugar na pinagtaguan ng mga taong responsable sa pagpugot kay Sgt. Anni Siraji noong nakaraang linggo. Sinabi pa ni Galvez na mabibigyan lamang ng hustisya ang pamilya Siraji kung mapanagot ang mga taong walang awang pumaslang sa isa sa kanilang tauhan […]
Driver ng ambulansya patay matapos sumalpok sa isang bus
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Dead on arrival ang driver ng isang ambulansya matapos itong sumalpok sa isang bus sa Brgy. Manyayay, Lianga, Surigao del Sur. Kinilala ang biktima na si Alexander Fazon Talibong, 55 taong gulang, residente ng Poblacion, Lianga, Surigao del Sur. Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police Lianga, patungong Tandag City ang ambulansya habang ang bus naman na minamaneho ni Dennis Casuco ay papuntang Butuan City. Lumampas sa kabilang lane ng kalsada ang […]
Ligtas na pagbabakasyon program ng PNP, ipinatutupad na
POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nakakalat na kasalukuyan sa mga pangunahing lansangan sa Polanco, Zamboanga del Norte ang mga Police Assistance Desk at Check Point. Ito ay inilatag para sa kapakanan ng mga motoristang bumibyahe para mamasyal at magbakasyon. Ang programang ito ay binuo at ipinatutupad ng PNP General Headquarters. May tema itong “PNP SUMVAC o Summer Vacation Ligtas na Bakasyon, Serbisyo ng Kapulisan.” Ang Polanco ay pangunahing dinadaanan patungong Dipolog City, Dapitan City, […]
209 magsasaka ng tabako, tumanggap ng cash assistance mula sa National Tobacco Administration
DOLORES, Abra (Eagle News) – Nasa 209 na mga Abreniong magsasaka ng tabako ang nagtipun-tipon sa Dolores Civic Center upang tanggapin ang kanilang tseke na nagkakahalaga ng 2,000 pesos. Ito ay parte ng Curing Burn Assistance Program ng National Tobacco Administration sa pangunguna ni Dr. Robert Seares. Ang nasabing tulong ay para sa mga nasalanta ang mga pugon (curing barn) noong kasagsagan ng super typhoon Lawin. Ito na ang ikalawang cash assistance distribution na isinagawa ng […]
“Evangelical Medical Mission” isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Rodriguez Municipal Jail
RODRIGUEZ, Rizal (Eagle News) – Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng Medical and Dental Mission sa Rodriguez Municipal Jail. Katuwang nila sa nasabing aktibidad ang New Era General Hospital at nakipagtulungan din ang pamunuan ng Rodriguez Municipal Jail (BJMP). Pinangunahan ito ni Bro. Jeremias Mendoza III, Assistant District Minister ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Central. Kasama rin si Bro. Jovel Dexter Tubig, Ministro ng Ebanghelyo at mga miyembo ng INC. Mainit man ang panahon ay nabigyan […]





