Job fair sa General Santos City dinagsa ng 1,000 job seekers

GENERAL SANTOS CITY, Cotabato South (Eagle News) – Dinagsa ng humigit kumulang 1,000 job seekers ang isinagawang job fair sa KCC Convention Center, General Santos City nitong Lunes, May 1. Inihanda ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Ito ay bilang paggunita sa unang Labor Day sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin nito na makapagbigay ng iba’t ibang trabaho, negosyo at pangkabuhayan. Ito ay may temang “Matatag na Kabuhayan at Trabaho Tungo sa Progresibong Pagbabago”. Bukod sa trabaho ay mayroon ding Livelihood Fair, DOLE Clinics at One-Stop Shop Service.

Nette Cruz – EBC Correspondent, General Santos City