Provincial News

Mga magsasaka, hinihikayat magtanim ng cacao at kape

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Hinikayat ng Department of Agriculture ang mga magsasaka sa rehiyon na magtanim ng cacao o kape. Ayon kay Regional Director Constancio Alama ng DA Region 9, ito ay dahil mataas ngayon ang pangangailangan nito sa global market. Ayon pa kay Alama, mayroon silang 1.3 milyon na mga seedling ng cacao na inuukol sa buong Zamboanga Peninsula. Una umano na makikinabang dito ang people organizations, lokal na pamahalaan at mga state […]

11 miyembro ng Maute group, arestado

MARONGONG, Lanao del Sur (Eagle News) – Labing-isang hinihinalang miyembro naman ng Maute Group ang naaresto ng militar sa isang raid sa Lanao del Sur kamakailan. Tatlong bahay ang pinasok ng mga tauhan ng 1st Infantry Division ng Army sa Brgy. Romagondong, Marongong, kung saan hinihinalang may nagtatagong mga miyembro ng bandidong grupo. Dahil sa biglaan ang raid, hindi na nagawa pang pumalag ng mga suspek. Nakumpiska sa mga ito ang walong high-powered rifle, mga bala at mga […]

Kampanya vs kolorum na van sa Tarlac City, pinaigting

TARLAC CITY, Tarlac (Eagle News) – Pinaigting pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kampanya laban sa mga kolorum na UV Express sa Tarlac. Sa pinagsanib na pwersa ng LTFRB, City Transport and Traffic Management Group at Public Operation Service Office (POSO) ng lokal na pamahalaan, ay nag-sagawa ang anti-colorum operation sa mga lansangan kamakailan. Layunin nito na maresolba ang problema sa mga nagkalat na kolorum na UV Express, na nakapagsisikip sa […]

Pulis patay, 6 sugatan matapos paulanan ng bala sa Balayan, Batangas

BALAYAN, Batangas (Eagle News) – Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang anim na katao matapos pagbabarilin ang mga ito ng apat na lalaki sa Batangas kamakailan. Namatay habang ginagamot sa ospital si SPO1 Brian de Jesus. Nakatalaga ito sa Balayan Municipal Police Station. Sugatan naman ang anim pang iba na  di pa nakikilala, na tinamaan ng ligaw na bala. Ayon sa awtoridad, nanonood ng live band ang pulis nang paulanan ito ng bala […]

Miyembro ng Abu Sayyaf sa Tawi-tawi, arestado

SINTANGKAI, Tawi-tawi (Eagle News) – Hindi na nakakuhang tumakas ng isang miyembro ng Abu Sayyaf matapos itong akusahang miyembro ng grupong bandido ng kaniyang kapitbahay sa Tawi-tawi. Sinabi ni Capt. Joan Petinglay, tagapagsalita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Forces, Western Mindanao Command (Wesmincom), na umamin si Sahidul Jikiri, na inaresto kamakailan sa Sintangkai, na kasama siyang nagpaplano sa kidnapping at cross border sea highjacking ng mga foreign national vessel.   Nasa ilalim diumano siya sa pamumuno ni […]

Tatlong sibilyan patay, isa sugatan sa pamamaril sa Sulu; Abu Sayyaf, hinihinalang nasa likod ng krimen

PANAMAO, Sulu (Eagle News) – Patay ang tatlong sibilyan, at sugatan naman ang isa matapos pagbabarilin sila ng mga miyembro diumano ng Abu Sayyaf sa Sulu. Kinilala ng Philippine National Police-Sulu ang mga nasawi na sina Manan Hamidi, Al-hapid Hamidi, at Immok Hamjani na kapuwa taga-Talipao. Ang sugatan naman ay kinilalang si Julasan Abuhasan. Kagagaling lang sa isang kasalan ang apat sakay ng isang jeep ng paulanan sila ng bala gamit diumano ang isang high-powered […]

Abu Sayyaf “crisis” sa Bohol, tapos na

CALAPE, Bohol (Eagle News) – Napatay na ang dalawang natitirang miyembro ng Abu Sayyaf na nakasagupa ang mga awtoridad noong Abril sa Inabanga, Bohol. Ayon sa report, namataan sina Abu Asis at Abu Ubayda sa isang security checkpoint sa Bgry. Lawis, sa Panggangan, Calape. Nanghostage din diumano ang dalawang bandido at sinubukan pang tumakas gamit ang isang nakaw na motorsiklo. Doon na unang napatay ng security forces si Ubayda habang nakatakas naman si Asis. Bandang alas […]

Mga miyembro ng SCAN Int’l sa Pangasinan East, sumailalim sa iba’t-ibang pagsasanay 

SISON, Pangasinan (Eagle News) — Nagsagawa ng first-aid seminar ang mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers International sa silangang bahagi ng Pangasinan. Ang aktibidad ay ginanap sa Barangay Esperanza, Sison, Pangasinan. Ilan sa mga napagsanayan ay ang pagresponde sa mga aksidente, at ang cardiopulmonary resuscitation o CPR. Nagsagawa din ng fire drill ang mga lumahok. Layunin ng aktibidad na pinangunahan ng mga SCAN emergency first responder instructors na maturuan ang mga ibang miyembro ng […]

Poblacion barangay captain: Muffler ordinance sa Kalibo, Aklan, “iligal”

KALIBO, Aklan (Eagle News) –  Tinawag na ‘iligal’ ng isang opisyal ang pinapatupad na Municipal Ordinance No. 2016-003 o Muffler Ordinance ng Kalibo. Sa sulat na nakarating sa Sangguniang Bayan, sinabi ni Poblacion Brgy. Captain Mary Jane Rebaldo na hindi naging malinaw sa nasabing ordinansa kung ang ‘motor vehicle’ ay tumutukoy sa lahat ng uri ng sasakyan. Hindi rin umano nakasaad ang ‘noise limitation’ ng mga motorsiklo o sa sasakyan na gumagamit ng modified engine […]

Bangkay ng 2 mangingisda sa Zamboanga, natagpuan na

Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Tatlong araw matapos na maiulat ang pagkawala ng dalawang mangingisda, natagpuan na ang kanilang mga bangkay sa baybaying bahagi ng Sitio Tando, Brgy. Looc Labuan sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Chief Inspector Chamer Gloria Lacay ng Tungawan PNP, Mayo 7 pa noong napaulat na nawawala sina Jose Dasillo Bucoy, 37, may asawa at si Rodel Abad Alimpong, 13, na kapwa residente sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. […]

Mga magsasaka sa Mauban, Quezon, nakinabang sa ipinamahaging hybrid na punla ng palay

LUCENA CITY, Quezon (Eagle News) — Ipinamahagi na ang libreng hybrid na punla ng palay sa mga magsasaka sa mga taga Brgy. Bato ng Mauban. Bahagi ito ng proyekto ng Municipal Agriculture Office upang lalong maging mataas ang uri ng mga aanihing bigas dito pagdating ng panahon. Ayon sa mga awtoridad, sa ganitong paraan ay lalong tataas ang magiging produksyon ng  mga magsasaka , mabilis nila itong maibibenta sa merkado at mabilis ding mapapakinabangan ng kanilang […]

Kauna-unahang PNP-Media Palarong Pinoy isinagawa sa Quezon

LUCENA, Quezon (Eagle News) – Isinagawa sa lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang Philippine National Police-Media Palarong Pinoy na ginanap sa covered court ng Camp Guillermo Nakar, Lucena City, Quezon. Ang nasabing sports fest ay nilahukan ng mga kasapi ng Quezon PNP at ng Tri-Media Group sa lalawigan. Ayon kay Quezon Police Director PSSupt Rhoderick Armamento, layunin ng nasabing aktibidad na maipakita ang pagkakaisa, sportsmanship at maayos na relasyon na bawat participants. Nais din umanong ipakita ng Quezon […]