Nagsagawa ang SCAN International Compostela Valley Chapter ng Fire Safety and Rescue Seminar bilang pakikiisa sa Fire Prevention Month. Sa nasabing seminar ay itinuro ang mga tamang hakbang para maiwasan ang sunog at ang dagliang pag-apula sa sunog kung sakaling magkaroon ng fire incident.
Tag: SCAN International
Iba’t-ibang aktibidad pangkalikasan isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako
QUEZON City, Philippines — Nagsagawa ng “Linis Bayan” ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng mga nasa kapisanan ng SCAN International sa bayan ng Bongabon, lalawigan ng Nueva Ecija. Sa kabilang banda ay nagsagawa rin ng clean up drive ang mga miyembro ng SCAN International-Quezon South Chapter sa Mamaw beach sa General Luna, Quezon. Nagtulong-tulong naman ang mga miyembro ng CBI o Christian Brotherhood International sa lalawigan ng Ilocos Sur sa paglilinis […]
Outreach Program ng Eagle Broadcasting Corporation sa Bataan naging matagumpay
MORONG, Bataan — Matagumpay na naisagawa ang Outreach Program ng Eagle Broadcasting Corporation sa Kanawan Morong, Bataan na may temang “Enabling Better Communities”. Sa pakikipagtulungan ng social services office, mga doktors , dentists at nurses na miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ay naidaos ang medical at dental mission kung saan ay mayroong nagparehistrong tatlong daan at limampu’t- tatlong kababayan nating mga katutubong aeta para makaavail sa libreng gamutan na ito. Sa dental ay […]
Barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Isabela pinasinayaan; Tagisan ng Talino, isinagawa naman sa Laguna
CAUAYAN, Isabela — Isang bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Barangay Baculod, Cauayan Isabela. Ito ang bagong extension ng Lokal ng Cauayan City. Nagsimula ang construction nito noong buwan ng Oktubre 2015 at natapos ito lamang buwan ng Enero ng taong kasalukuyang. Ito ay may isandaang seating capacity. Ayon sa ilang kaanib ng INC, nang hindi pa naitatayo ang bagong gusaling sambahan ay halos sampung kilometro raw ang kanilang nilalakbay patungo […]
Mass Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo
ZAMBOANGA Sibugay — Bumuhos ang malaking bilang ng mga mamamayan sa capitol site ng Zamboanga Sibugay mula sa kani-kanilang munisipalidad upang makipagkaisa sa isinagawang Mass Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo. Ito ay pinangunahan ng mga miyembro ng SCAN International samantala nakipagsiksikan naman ang marami upang makatugon sa aktibidad ng Iglesia. May mga pumila ring senior citizens sa hangaring makipagkaisa sa naturang aktibidad. May mga hindi nakapasa sa panuntunan ng doh sa iba’t ibang kadahilanan […]
Pagtatayuan ng ecofarm ng Iglesia Ni Cristo sa Bulacan sinimulan ng linisin
By Jun Duruin (Eagle News Service) Clearing operations sa itatayong ecofarm ng Iglesia Ni Cristo sinimulan na DOÑA Remedios Trinidad, Bulacan — Sinimulan na ang paglilinis sa itatayong ecofarm ng Iglesia Ni Cristo sa barangay Kalawakan, Dona Remedios Trinidad o DRT sa Bulacan kahapon, Pebrero 19. Sa pangunguna ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Bulacan North na si kapatid na Bendito B. Sandoval at ng mga kabilang sa Society of Communicators and Networkers o SCAN International […]
INCamp at Leadership Enhancement and Dev’t Training ng mga miyembro ng INC isinagawa sa Pangasinan
By Jae Sabado Eagle News Service PANGASINAN, Philippines — Matagumpay na naisagawa ang INCamp at Leadership Enhancement and Development Training (lead) ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan East na ginanap sa nagkuralan, Cuyapo, Nueva Ecija noong sabado. Sa nabanggit na programa ay isinagawa rin ang grand eyeball ng mga miyembro ng Society Of Communicators and Networkers International o SCAN bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng kanilang ika-dalawampu’t pitong anibersaryo. Napuno ng […]
SCAN International nagsagawa ng ‘Linis Dalampasigan’ sa Quezon, Basic Life Support seminar naman sa Isabela
Report by Alejandro Javier Nagsagawa ng “Linis Dalampasigan” ang mga niyembro ng Society of Communicators and Networkers o SCAN International kasama ang mga kabtaan at kababaihan na naninirahan malapit sa dalampasigan sa hilagang bahagi ng Quezon partikular sa mga nasa bayan ng Infanta, Real at Gen. Nakar, Quezon. Samantala, sa kanlurang bahagi ng Isabela masiglang dinaluhan ng mga kaanib ng SCAN International ang isinasagawang Basic Life Support Seminar sa pangunguna ng Rescue 333 ng Roxas, […]
Blood Donation Activity isinagawa sa Naga City at Quirino
Report by Judith Llamera Eagle News Service BILANG bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Society of Communicators and Networkers o mas kilala sa tawag ng SCAN International ay nagsagawa ang kapisanan ng Blood Donation Activity sa Naga City at Quirino. Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa kapwa tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang dugo hindi lamang sa mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo maging sa ating mga kababayan. Minsan pang pinatunayan […]
Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Maguindanao
By Leo Delica (Eagle News Service) MAGUINDANAO, Philippines (Eagle News) — Dahil nasa ilalim ng state of calamity ang lalawigan ng Maguindanao dulot ng matinding pinsala ng El Niño at pag-atake ng mga daga sa mga pananim sa lalawigan.Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng Lingap sa Mamamayan kung saan umabot sa 240 katao ang napagkalooban ng mga goody bags. Katuwang sa nasabing aktibidad ang SCAN International na nagsaayos at naghanda ng mga kailangan sa aktibidad […]
27th Anniversary ng SCAN International, ipinagdiwang sa iba’t-ibang bahagi ng bansa
By Mark Cuevas Eagle News Service NAGSAGAWA ng isang Tanging Pagtitipon ang Society of Communicators and Networkers International o SCAN International, isang kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako kaugnay ng kanilang ika-27 th anniversary. Sa pagtitipon ay ipinaalala sa kanila ang layunin ng pagkakatatag ng SCAN at ito ay para sa sumagip ng buhay at magligtas ng kapwa lalo sa panahon ng mga kalamidad. Sa isinagawang aktibidad, lalong nagdagdag sa kanila sa […]
Blood Donation Activity isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Biñan, Laguna
Nagsagawa ng blood donation activity ang Iglesia Ni Cristo sa kanlurang bahagi ng Laguna. Layunin ng ganitong aktibidad na makalikom ng sapat at ligtas na dugo na magagamit upang makatulong hindi lamang sa kaanib ng Iglesia kundi para sa lahat ng kababayan natin na nangangailangan ng dugo. Sa pakikipagtulungan ng Society of Communicators and Networkers o mas kilala bilang SCAN International at ng Philippine Childrens Medical Center ay naging matagumpay ang isinagawa aktibidad. (Agila Probinsya […]





