Blood Donation Activity isinagawa sa Naga City at Quirino

Report by Judith Llamera
Eagle News Service

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Society of Communicators and Networkers o mas kilala sa tawag ng SCAN International ay nagsagawa ang kapisanan ng Blood Donation Activity sa Naga City at Quirino.

Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa kapwa tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang dugo hindi lamang sa mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo maging sa ating mga kababayan.

Minsan pang pinatunayan ng SCAN members sa aktibidad na ito ang pagsasakatuparan sa pangunahiong adhikain ng kapisanang ito na “Saving lives is our priority.”

(Eagle News, Naga City, CM lana, Eagle News, Quirino, Rustie Lorenzo)