Outreach Program ng Eagle Broadcasting Corporation sa Bataan naging matagumpay

MORONG, Bataan — Matagumpay na naisagawa ang Outreach Program ng Eagle Broadcasting Corporation sa Kanawan Morong, Bataan na may temang “Enabling Better Communities”.

Sa pakikipagtulungan ng social services office, mga doktors , dentists at nurses na miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ay naidaos ang medical at dental mission kung saan ay mayroong nagparehistrong tatlong daan at limampu’t- tatlong kababayan nating mga katutubong aeta para makaavail sa libreng gamutan na ito.

Sa dental ay animnaput tatlo ang nabunutan ng ngipin,at dalawang daan at animnaput tatlo ang nabigyan ng check up , gamot at vitamins.
Nagkaroon din ng entertainment sa nasabing aktibidad.

Laking pasasalamat ng mga kababayan natin dito sa ginawang proyektong ito ng EBC dahil sa kabila ng kanilang kalagayan at malayo sa kabayanan ay naabot sila na bigyan ng ganitong pagkakataon.

Tumulong din ang mga miyembro ng SCAN International-Bataan Chapter, mga ministro at mga kapatid sa INC sa pangunguna ng Tagapangasiwa ng Distrito ng bataan na si Kapatid na Manuel Soriano Jr.