Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Maguindanao

By Leo Delica
(Eagle News Service)

MAGUINDANAO, Philippines (Eagle News) — Dahil nasa ilalim ng state of calamity ang lalawigan ng Maguindanao dulot ng matinding pinsala ng El Niño at pag-atake ng mga daga sa mga pananim sa lalawigan.Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng Lingap sa Mamamayan kung saan umabot sa 240 katao ang napagkalooban ng mga goody bags.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang SCAN International na nagsaayos at naghanda ng mga kailangan sa aktibidad gaya ng communication, safety and security measures para sa isinagawang Lingap sa Mamamayan.

(Eagle News Service Magundanao, Dennis Dimatingkal)