SCAN International nagsagawa ng ‘Linis Dalampasigan’ sa Quezon, Basic Life Support seminar naman sa Isabela

Report by Alejandro Javier

Nagsagawa ng “Linis Dalampasigan” ang mga niyembro ng Society of Communicators and Networkers o SCAN International kasama ang mga kabtaan at kababaihan na naninirahan malapit sa dalampasigan sa hilagang bahagi ng Quezon partikular sa mga nasa bayan ng Infanta, Real at Gen. Nakar, Quezon.

Samantala, sa kanlurang bahagi ng Isabela masiglang dinaluhan ng mga kaanib ng SCAN International ang isinasagawang Basic Life Support Seminar sa pangunguna ng Rescue 333 ng Roxas, Isabela.

Sa nasabing seminar ay itinuro ang tamang pamamaraan ng paggamit ng triangular bandage ganoon na ring ang tamang pagbuhat sa mga nangangailangan ng panunang lunas.

Ang mga nasabing aktibidad na isinagawa ng SCAN International ay kaugnay ng pagdiriwang ng ika27-anibersayo ng kanilang pagkakatatag. Binuo ang kapisangn ito upang makatulong hindi lamang sa kaanib ng Iglesia Ni Cristo maging hindi pa kaanib at ganoon na rin sa mga gawaing socio-sibiko.

(Eagle News Quezon Province, Nice Gurango, Eagle News Isabela, Ardriel Bautista, Description by MRFaith Bonalos)