Iba’t-ibang aktibidad pangkalikasan isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako

QUEZON City, Philippines — Nagsagawa ng “Linis Bayan” ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng mga nasa kapisanan ng SCAN International sa bayan ng Bongabon, lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa kabilang banda ay nagsagawa rin ng clean up drive ang mga miyembro ng SCAN International-Quezon South Chapter sa Mamaw beach sa General Luna, Quezon.

Nagtulong-tulong naman ang mga miyembro ng CBI o Christian Brotherhood International sa lalawigan ng Ilocos Sur sa paglilinis sa loob ng kanilang campus bilang pagtataguyod ng isa sa mga aktibidad ng kanilang kapisanan na “Linis Paaralan.”

Layunin ng mga nasabing aktibidad na makatulong hindi lamang sa mamamayan lalong-lalo na ng malasakit para sa kapaligiran.

(Agila Probinsya Correspondents Kristrel Cajucom,Brian Formanes, Leah Manzano, Report by Paolo Koko Victorio, Description by MRFB)