Mass Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo

ZAMBOANGA Sibugay — Bumuhos ang malaking bilang ng mga mamamayan sa capitol site ng Zamboanga Sibugay mula sa kani-kanilang munisipalidad upang makipagkaisa sa isinagawang Mass Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo.

Ito ay pinangunahan ng mga miyembro ng SCAN International samantala nakipagsiksikan naman ang marami upang makatugon sa aktibidad ng Iglesia. May mga pumila ring senior citizens sa hangaring makipagkaisa sa naturang aktibidad.

May mga hindi nakapasa sa panuntunan ng doh sa iba’t ibang kadahilanan ngunit naging matagumpay ang naturang aktibidad dulot ng pakikipagkaisa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa sub-district ng Zamboanga Central sa distrito eklesiastiko ng Zamboanga Central.

(Eagle News Correspondent Jen Alicante)