Provincial News

Pagsamba ng Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City District Jail, Pangasinan, nagsimula na

By Renzo Nidoy at Rusell Failano Eagle News Service, Pangasinan URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) – Maayos at mapayapa na naisagawa ang kauna-unahang pagsamba ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City District Jail, sa Brgy. Anonas, Urdaneta City, Pangasinan noong Mayo 26, 2016. Pinangasiwaan ng District Supervising Minister Bro. Nelson H. Mañebog ng Pangasinan East ang pagsambang isinagawa. Kasama rin na dumalo ang iba pang mga ministro at ang kanilang mga maybahay. Ayon kay G. Celestino […]

Bagong barangay chapel ng INC sa Maguindanao, pinasinayaan

MAGUINDANAO, Philippines (Eagle News)  — Isa na namang bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa pamamagitan ng isang pagtitipon nitong Miyerkules ng umaga (Mayo 25) dito sa distrito ng Maguindanao. Pinangasiwaan ni Maguindanao District Supervising Minister Bro. Edison G. Macabali ang unang pagsamba ng bagong barangay chapel sa Brgy. Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Dinaluhan ito ng mga kapatid na ang iba ay galing pa mula sa iba’t ibang bayan gaya ng Cotabato City, […]

Felix Manalo movie pinanuod ng mga inmate sa Bataan Jail Management and Penology

BALANGA, Bataan — Nagsagawa ng video presentation ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa lokal ng Balanga sa loob ng Bataan Jail Management and Penology sa Capitol sa siyudad ng Balanga sa Pahintulot ni Warden Jail Superintendent Clarence E. Mayangao. Ipinalabas ang pelikulang Felix Manalo sa loob ng nasabing piitan, kung saan ay nakapagbigay naman ito ng kagalakan at nagkaroon ng inspirasiyon ang mga nakapanood. Ayon sa kanila ay malaking tulong ito para malaman nila ang pagsisinula ng Iglesia […]

Isang kaanib ng Iglesia ni Cristo, binigyan ng Certificate of Commendation ng alkalde ng Pasay

PASAY City, Philippines — Isang kaanib ng Iglesia ni Cristo na si Leticia Ancheta ay  binigyan ng Certificate of Commendation ni Pasay City Mayor Antonino Calixto dahil sa kanyang pagiging matulungin sa kanyang  kapwa tao. Napag-alaman pa na isa sa mga natulungan ni Leticia kamakailan ay ang isang matandang babae na bagamat hindi niya  kilala ay kinupkop  niya ito sa kanyang tahanan.  

EVM Cup Finals isinagawa sa Bulacan North

EVM Cup Finals ng Distrito ng Bulacan North isinagawa sa Baliuag Gymnasium noong Mayo 25, 2016. Pinangunahan ito ng kanilang District Supervising Minister na si Bro. Bendito B. Sandoval katuwang ang iba pang mga ministro (District Staff). Nakiisa ang maraming kaanib sa Iglesia ni Cristo sa distritong ito. Ang bawat manlalaro ay nagpaligsahan bago nakarating sa finals pero ang kagalakan ay siyang labis na naramdaman ng bawat isa na sumali sa nasabing aktibidad. Pinatunayan ng mga kaanib sa […]

Iglesia Ni Cristo magsasagawa ng Lingap sa Mamamayan sa South Cotabato

COTABATO, Southeast — Abalang-abala ngayon sa paghahanda ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Cotabato Southeast para sa isasagawang Lingap sa Mamamayan sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato sa darating na Mayo 27. Daang-daang sako ng bigas ang inihahanda na pinagtutulungang i-repack ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa dakong ito. Matatandaan na matagumpay na naisagawa ang lingap sa naturang barangay noong buwan ng Enero na kung saan ay libu-libong kababayan nating mga […]

Pagbabantay ng presyo ng school supplies, sisimulan na ng DTI-Camarines Norte

Daet, Camarines Norte (Eagle News) – Sinimulan na ang pagbabantay o monitoring ng tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Camarines Norte kaugnay sa presyo ng mga kagamitan sa eskwela sa mga pangunahing pamilihang bayan. Nagsimula ang pagmomonitor sa bayan ng Daet sa mga tindahan at establisyemento na mayroong school supplies. Magpapalabas rin ng talaan ng presyo ng school supplies sa pamamagitan ng Suggested Retail Price (SRP) kung saan nakalagay dito ang “Gabay sa […]

Barangay Captain sa MisOcc, patay sa pamamaril

(Eagle News) — Patay ang isang Brgy. Captain habang sugatan naman ang kapatid nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Clarin, Misamis Occidental. Kinilala ang mga biktima na sina Philip Sia, 40 anyos, Kapitan ng Brgy. Centro Hulpa, Tudela Municipality sa naturang probinsya at kapatid nitong si Juphil Sia, 37 anyos isang negosyante. Dead on arrival si Philip habang patuloy pang ginagamot ang kapatid nito. Napag-alamang sakay ang mga biktima ng Toyota […]

DA-12, namahagi ng certified rice seeds

(Eagle News) — Namahagi na ang provincial at municipal agriculture offices ng South Cotabato ng 5,635 na sako ng certified rice seeds at abono sa mga magsasakang beneficiaries ng High Yielding Technology Adoption (HYTA) program. Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan, bahagi ang naturang distribution ng first tranche ng support assistance sa mga magsasaka sa pagsisimula ng planting season. Napag-alamang bahagi ng 52, 534 bags ng high yielding at certified seeds […]