Dalawang Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa siyudad ng Sorsogon pinasinayaan

SORSOGON, Philippines — Dalawang barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa siyudad ng Sorsogon ang magkasabay na pinasinayaan sa magkaibang oras upang gamitin sa mga pagsamba at sa iba pang mga aktibidad ng mga kaanib nito.

Ito ay ang Barangay San Lorenzo, Bibincahan  at ang  Brgy. Bonsaran, Barcelona.

Ito ay mga liblib na barangay na bago marating ay kailangan munang daanan ang mga baku-bakong daan at maglakad ng mga  sampu hanggang 15 minutos.

Pinangunahan  ng   Supervising Minister ng Ecclessiastical  District ng Sorsogon na si Kapatid na Macleo V. Ibasco ang pagpapasinaya sa mga barangay chapel na ito.

(Eagle News, Jomelyn Dador, Sorsogon Correspondent)