Clean-Up Drive isinagawa ng mga miyembro sa Iglesia Ni Cristo sa Parañaque City

Nagsagawa nito lamang Linggo, Hunyo 5, 2016 ng clean-up drive ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa East Service Road  ng Brgy. San Martin de Porres at FTI Arca South Circle, Paranaque, City.

Nasa 200 na mga kaanib nito ang nakipagkaisa para sa naturang aktibidad.

Bago isagawa ang aktibidad ay nakipag-coordinate muna ang mga pamunuan ng INC sa Barangay Kapitan na nakasasakop  sa mga lugar na lilinisin na si Kapitan Mithor Singson.

Nagpadala naman  ng dump track ang naturang kapitan sa mismong araw ng okasyon para may magamit sa paghakot ng mga basura.

(Eagle News Ric Ramirez, Parañaque Correspondent)