Sports Activities, pinangunahan ng mga kaanib ng INC sa lalawigan ng Albay

Pinangunahan ni Bro. Elmer D. Salvador, Sr., District Supervising Minister ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Albay ang isinagawang Unity Games. Naglalayon ang nasabing aktibidad na mamalaging nagkakaisa ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigang ito.
Nakipagkaisa rin sa nasabing aktibidad ang mga naanyayahan sa isinagawang Dakilang Pamamahayag noong Mayo 22, 2016 sa ilalalim ng proyektong Reconnect. Naging masaya at namamalaging nabubuklod ang damdamin ng mga dumalo sa isinagawang sports activities.
Ang mga palaro ay kinatampukan ng Basketball, Volleyball, Chess, Dart, Dama at iba pang mga larong pangkasiglahan. Nagtanghal din ang Cheer Dance Group mula sa iba’t-ibang lokal. Naging masaya at masigla ang mga kapatid sa pagtatapos ng mga palaro.
Ipinangako ng mga kaanib ng  Iglesia ni Cristo sa dakong ito na lahat ng panahon ay lagi silang kaisa ng Pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo, sa Kapatid na Eduardo V. Manalo.
(Eagle News, Rocel Moral & Jake Peralta – Albay Correspondents)