“Welcome Kapatid Ko,” matagumpay na isinagawa sa Mt. Province

MANKAYAN, Benguet — Matagumpay na naisagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang “Welcome Kapatid Ko” noong Sabado, Mayo 28, 2016 na idinaos sa CPJ Theater Lepanto Mines, Mankayan, Benguet. Ang mga kaanib ng INC na dumalo sa nasabing aktibidad ay isinama rin ang kanilang mga naging panauhin sa isinagawang World Wide Intensive Propagation na pinasingawaan ng kanilang Executive Minister na si Bro. Eduardo V. Manalo .

Nag-perform sa nabanggit na okasyon ay mga Ministro at Mangagawa ng INC kasama ang kanilang pamilya at mga piling miyembro ng INC na kabilang sa Christian Family Organization.

Suot ng mga kalahok ang magagarang damit at maging ang mga Receptionist sa nasabing programa kung kaya’t humanga ang karamihan sa mga dumalo lalo na ang mga panauhin ng INC. Anila maganda ang ginagawang mga aktibidad ng INC kung kaya ipagpapatuloy nila ang pagsusuri sa mga aral nito.

Positibo naman ang naging reaksyon ng lahat ng dumalo lalo na ang mga kabilang sa nagpasyang aanib pa lamang sa Iglesia, anila magpapatuloy sila sa kanilang pag-anib at pagsusuri.

Bawat pagpe-perform ay umani ng masigabong palakpakan at paghanga sa mga talentong kanilang ipinakita. Pagkatapos ng pagtitipon nagsagawa ng salu-salo ang mga naroon na masaya namang nilahukan ng lahat.

(Eagle News Service Erwin Dello – Mt. Province Correspondent, MRFB)