SCAN International pinangunahan ang Brigada-Eskwela sa Isabela

Cauayan City, Isabela. Pinangunahan ng mga kaanib ng SCAN International ang tinatawag na Brigada Eskwela na kung saan ang mga Public Schools ay nagsasagawa ng paglilinis sa araw na ito, Mayo 31, 2016. Taon-taon itong isinasagawa bago ang araw ng pasukan ng mga mag-aaral upang matiyak na malinis ang kapaligiran ng eskwelahan. Kasama sa naturang paglilinis ang mga magulang ng mga mag-aaral maging ang mga guro na nagtuturo.

(Eagle News, JJ Pilon – Cauayan City Isabela Correspondent)