DIPOLOG City, Zamboanga Del Norte (Eagle News) — Arestado ang top 1 target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Dipolog sa Zamboanga del Norte. Kinilala ang suspek na naaresto sa buy-bust operation ng Dipolog Police Station at ng PDEA si Hannah Jane Oliveros Atendido, 20 anyos, dalaga at residente ng Piñan, Zamboanga del Norte. Nakumpiska mula sa suspek–na high-value target level 1—ang isang malaking heat-sealed plastic sachet na may lamang dalawang maliliit na pakete […]
Provincial News
300 pamilya inilikas sa pagtaas ng tubig sa ilang mga ilog sa Davao
DAVAO CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa 300 pamilya ang sapilitang inilikas sa kanilang mga lugar makaraang tumaas ang lebel ng tubig sa ilang mga ilog sa Davao City, noong Huwebes ng gabi, May 11. Partikular na naapektuhan ng forced evacuation ang mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog sa Brgy. Talomo Proper at Brgy. Matina crossing. Sinimulan ang evacuation dakong 8:00 ng gabi nang biglang tumaas ang tubig sa mga ilog na bumabagtas sa […]
Siyam na barangay sa Tubod, Surigao del Norte, idineklarang drug-free
TUBOD, Surigao del Norte (Eagle News) — Siyam na barangay sa isang bayan sa Surigao Del Norte ang idineklarang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Caraga. Personal na dinaluhan nina Ricardo C. Quinto, PDEA Deputy Director General for Operations ng Caraga, Mayor Richelle B. Romarate, at mga nasa Surigao Del Norte Police Provincial Office ang isinagawang deklarasyon na drug-cleared na ang Barangay Cawilan, Capayahan, San Pablo, Marga, San Isidro, Del Rosario, Motorpool, Timamana at Poblacion […]
Dagupan City, nagdiriwang ng Platinum Year
DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad noong Huwebes, Mayo 11, ang iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang sa ika-70 taon na Agew na Dagupan o Platinum Year of Dagupan City. Ang paglulunsad ng Agew na Dagupan ay kinabibilangan ng pag-alala sa pinagmulan ng Dagupan o ang Dagupan noon at ngayon o dagupan karuman, natan tan nabwas. Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sa kasaysayan ng Dagupan muling aalalahanin ang mga pinagdaanang pagsubok ng siyudad, mula sa isang […]
Iba’t-ibang libreng serbisyo, ipinagkaloob ng Hinatuan LGU
HINATUAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinagkalooban ng libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan ang mga residenteng nakatira sa ilang barangay doon. Sa ilalim ng programang “Bulig: serbisyong garantisado” ay nagkaloob ng libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan sa Brgy. Baculin at Brgy. Harip. Ilan sa mga libreng ipinagkaloob sa mga residente ang: Dental Services Health Services Civil Registration Services Solemnization Services Tax Assessment and Collection Services Agriculture and Social Welfare Services Gupit […]
5 motorsiklo ng mga empleyado ng DENR, 1 bahay sa Lianga, sinunog
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Isang bahay at limang motor na pagmamay-ari ng mga empleyado sa Department of Environment and Natural Resources ang nilamon ng apoy sa Surigao del Sur kamakailan. Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Lianga na mabilis rumesponde sa lugar, nagsimula ang sunog sa garahe ng bahay sa Purok 2, Brgy. Banahao, na pagmamay-ari ng isang Macario Angelia. Sa garahe umano naka-park ang limang motor na pagmamay-ari ng kaniyang mga anak. Sinubukan […]
Mahigit 500 mag-aaral, nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskuwela sa Zamboanga Sibugay
IMELDA, Zamboanga Sibugay (Eagle News) — Mahigit limang daan na estudyante na papasok palang sa elementarya ang nakinabang sa ipinamahaging gamit sa eskwela sa Zamboanga Sibugay. Ayon kay Mayor Roselyn Silva, ang pamamahagi ng mga bag, lapis, notebook sa mga estudyante ay upang wala nang maidahilan ang mga magulang na hindi nila mapaaral ang kanilang anak dahil sa kahirapan. Tangi sa sa pamamahagi ng gamit sa eskuwela, nagsagawa rin ng medical outreach sa lugar, kung saan ang […]
BFAR-Zamboanga, nagbabala patungkol sa isdang barracuda
ZAMBOANGA CITY (Eagle News) — Patuloy na nagbabala si Zamboanga City Agriculturist Dr. Diosdado Palacat tungkol sa paghuli, pagbebenta at pagkain ng isdang barracuda dahil sa taglay nitong kemikal na nakalalason sa tao. Dahil dito, naglilibot ngayon ang mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang inspeksyunin ang mga ibinebentang isda sa palengke. Ginawa ito matapos ang isang isolated incident umano, kung saan mayroong namatay na isang pusa pagkatapos makakain ng isda na galing sa […]
Mayor Richard I. Gomez, dumalaw sa ongoing exercise ng PH-US Balikatan forces
ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dinalaw noong Huwebes, May 11, ni Mayor Richard Gomez ang isa sa mga ongoing exercises ng PH-US Balikatan Forces sa Ipil Port ng Ormoc City, Leyte. Ang exercise ay may kinalaman sa pagtanggal ng debris sa lumang pier sa Brgy. Ipil, Ormoc City, na nagiging balakid sa pagdaong ng mga barko. Posible rin aniya itong magiging sanhi ng aksidente dahil hindi ito nakikita kapagka-high tide. Kasama sa pagdalaw ang PNP, US-UCT (Underwater Construction Team) […]
Buntis Congress 2017, isinagawa sa Rosales, Pangasinan
ROSALES, Pangasinan (Eagle News) – Isinagawa sa Rosales, Pangasinan ang Buntis Congress 2017 kamakailan. Nilahukan ito ng 300 na mga kababaihang buntis. May tema itong “Isiguro ang kaligtasan ng malusog na pagbubuntis.” Sa nasabing programa ay nagkaroon ng search for healthy preggy mom, pre-natal check up, usapang macho, mass blood donation, at oral health lectures na kung saan binigyan din ng vitamin c ang mga mommies. Ayon kay Dra. Elizabeth Alimorong, ang Buntis Congress ay programa ng Department […]
Women empowerment: Family planning seminar isinagawa sa Lipa City
Nagsagawa ng libreng seminar para sa mga buntis at bagong nanganak pa lamang ang Philippine Business for Social Progress sa Lipa City. Ang seminar–na isinagawa sa pakikipagtulungan ng City Health Office at inisponsoran ng Lima Organization of Pollution Control Officers, Inc. (LOPCO Inc.)—ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga kababaihan ukol sa tamang pagpaplano ng pamilya, kabilang na ang wastong paggamit ng mga contraceptives. Humigit-kumulang 200 kababaihan mula sa iba’t-ibang barangay sa Lipa ang dumalo sa nasabing seminar. Kabilang na dito […]
Longest line of tables, opisyal nang nasungkit ng Sto.Tomas, Pangasinan
STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) – “Congratulations, you are Officially Amazing!” Ito ang laman ng sulat na natanggap ng Munisipalidad ng Sto.Tomas, Pangasinan mula sa Guinness World Records matapos ang matagumpay na pagtatala nito ng Longest Line of Tables. Nagtala ang nasabing bayan ng 6,000 na may .45 metrong haba ng pinagdugtong-dugtong na mesa noong Abril 2 taong kasalukuyan. Nasa 2,470 mesa ang nagamit upang mabuo ang ganoon kahabang linya. Ang titulo ay dating hawak […]





