No.1 target ng PDEA sa Dipolog, arestado

photo_2017-05-12_18-53-28 photo_2017-05-12_19-00-44 photo_2017-05-12_19-00-48

DIPOLOG City, Zamboanga Del Norte (Eagle News) — Arestado ang top 1 target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa Dipolog sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang suspek na naaresto sa buy-bust operation ng Dipolog Police Station at ng PDEA si Hannah Jane Oliveros Atendido, 20 anyos, dalaga at residente ng Piñan, Zamboanga del Norte.

Nakumpiska mula sa suspek–na high-value target level 1—ang isang malaking heat-sealed plastic sachet na may lamang dalawang maliliit na pakete ng shabu, P500 bilang buy bust money, P420 na proceeds money, drug paraphernalia, isang motorsiklo, at iba pa.

Samantala, nasa pangangalaga na ng Provincial Crime Laboratory ang mga nakumpiskang drug items, habang ang suspek ay pansamantalang nakakulong sa Dipolog City Police Station. (Eagle News Correspondent Rosevelt Mondinido)