Tag: Bagyong Usman

Relief operations sa mga naapektuhan ng bagyo sa Buhi, Camarines Sur, tuluy-tuloy – NDRRMC

(Eagle News) — Bagamat nahihirapan, tuloy pa rin ang buhay para sa mga mamamayan sa Buhi, Camarines Sur na isa rin sa matinding tinamaan ng Bagyong Usman. Ayon kay Buhi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Head Carmelita Marquez, ayaw na nilang maulit pa ang landslide na nangyari sa kanilang bayan. Tuluy-tuloy aniya ang relief operations sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo. Dahil dito, naghahanda na at pinagpapaplanuhan nang mabuti ng municipal government […]

P64.7-milyong ayuda, naipagkaloob sa mga biktima ng Bagyong Usman – NDRRMC

(Eagle News) — Mahigit 64. 7 milyong piso na halaga ng ayuda ang naipagkakaloob na sa mga biktima ng Bagyong Usman. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang nasabing ayuda ay naibigay sa Mimaropa at sa Regions 5 at 8 ng Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development, local government units at non-government organizations. Sa pinakahuling tala ng ahensya, isandaang at dalawampu’t anim (126) na katao ang nasawi […]

Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Usman umabot na sa 122

(Eagle News) — Umakyat na sa 122 ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang 105 ang namatay sa Bicol Region kung saan 57 ay mula sa camarines sur na itinuturing na pinakamalalang nasalanta ng bagyo. Samantala, 18 ang naitalang nasawi sa albay, 15 sa Camarines Norte, walo sa Sorsogon at pito sa Masbate. Sa Northern Samar ay 13 ang naitalang […]

Puwersahang pagpapalikas sa mga residente ng landslide-prone areas iginiit ni VP Robredo

(Eagle News) — Nais ni Vice President Leni Robredo na magkaroon ng mas mahigpit na pamamaraan ang mga lokal na pamahalaan upang mabalaan at mapalikas ang mga residente sa landslide-prone areas. Sa pagbisita ni Robredo sa barangay Patitinan, Sagñay sa Camarines Sur, sinabi nito na bagaman mayroong inilabas na warning para sa mga pamilya sa lugar, marami pa rin ang nagmatigas at hindi umalis dahil naroon ang kanilang mga hanap-buhay. Para kay Robredo, dapat umanong […]

Narecover na bangkay sa nangyaring landslide sa Tiwi, Albay umakyat na sa 15; retrieval operations pahirapan pa rin

(Eagle News) – Pahirapan pa rin sa mga owtoridad an pagsasagawa ng retrieval operations sa Tiwi, Albay matapos manalasa doon ang bagyong Usman. Ito ay dahil sa mga nakahambalang na natumbang mga puno, nahulog na mga malalaking tipak ng bato at nagkalat na mga putik sa mga kalsada sa bayan. Ayon sa mga rescuer, 15 bangkay na ang nakuha ng mga otoridad, habang anim na iba pa ang patuloy na hinahanap. Tatlo sa naturang bilang […]

Bilang ng nasawi dahil sa Bagyong ‘Usman’ umakyat pa sa 78 – NDRRMC

(Eagle News) — Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng bagyong Usman. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa Mimaropa, Bicol Region, at Eastern Visayas ay pumalo na sa 78, 15 naman sa kanila ang injured at 21 ang patuloy na nawawala pa rin. Bukod dito, apektado rin ang daloy ng trapiko sa ilang apektadong lugar dahil 95 […]

Bagyong Usman nag-iwan ng matiding baha sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro.

(Eagle News) — Nagdeklara na ng state of calamity ang Sangguniang Bayan Members sa bayan ng Bongabong, sa lalawigan ng Oriental Mindoro dahil sa matinding pinsala ng baha dulot ng bagyong Usman. Ayon sa report ng Municipal Agriculture Office, isa sa mga naapektuhan ng pagbaha ay ang mga alagang hayop tulad ng mga baboy, baka at kalabaw kung saan karamihan sa mga ito ay nalunod. Apektado rin ang maraming palayan at maraming gulay sa bayan […]

Halos 16,000 pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Usman

(Eagle News) — Umabot na sa 15,788 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Usman. Ayon sa Philippine Coast Guard, hindi rin nakabiyahe ang 1,464 rolling cargoes, 114 barko at 24 motorbanca dahil sa masamang panahon. Pinakamarami sa naitalang stranded na pasahero ay mula sa mga pantalan sa Bicol na 5,047, pangalawa ang Eastern Visayas na kabuuang 5,017, sumunod ang Southern Tagalog na 1,733 pasahero, ikaapat ang Central Visayas na […]