Bagyong Usman nag-iwan ng matiding baha sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro.

(Eagle News) — Nagdeklara na ng state of calamity ang Sangguniang Bayan Members sa bayan ng Bongabong, sa lalawigan ng Oriental Mindoro dahil sa matinding pinsala ng baha dulot ng bagyong Usman.

Ayon sa report ng Municipal Agriculture Office, isa sa mga naapektuhan ng pagbaha ay ang mga alagang hayop tulad ng mga baboy, baka at kalabaw kung saan karamihan sa mga ito ay nalunod.

Apektado rin ang maraming palayan at maraming gulay sa bayan ng Bongabong dahil sa pagkakalubog sa baha.

Marami rin ang mga nai-stranded dahil sa taas ng libel ng tubig sa pangunahing kalsada ng lugar sa Strong Republic Nautical Highway.

Samantala, inilikas na ang mga residente na ng mga rescuer ang nasa coastal area sa mga designated evacuation center ng Bongabong.

Sa kabilang dako, patuloy naman sa pagre-repack ang mga empleyado ng pamahalaang bayan ng Bongabong ng goody bags upang maipamahagi sa mga nasa evacuation center. (Eagle News Oriental Mindoro Bureau Jovie Gilie Montero)