P64.7-milyong ayuda, naipagkaloob sa mga biktima ng Bagyong Usman – NDRRMC

(Eagle News) — Mahigit 64. 7 milyong piso na halaga ng ayuda ang naipagkakaloob na sa mga biktima ng Bagyong Usman.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang nasabing ayuda ay naibigay sa Mimaropa at sa Regions 5 at 8 ng Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development, local government units at non-government organizations.

Sa pinakahuling tala ng ahensya, isandaang at dalawampu’t anim (126) na katao ang nasawi habang pitumpu’t lima (75) ang nasugatan sa mga nabanggit na rehiyon dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman.

Dalawampu’t anim (26) na katao naman ang nananatiling nawawala.

Nasa mahigit 152,000 na pamilya ang apektado ng Bagyong Usman.

https://youtu.be/1NLzHI_IQCQ