Relief operations sa mga naapektuhan ng bagyo sa Buhi, Camarines Sur, tuluy-tuloy – NDRRMC

(Eagle News) — Bagamat nahihirapan, tuloy pa rin ang buhay para sa mga mamamayan sa Buhi, Camarines Sur na isa rin sa matinding tinamaan ng Bagyong Usman.

Ayon kay Buhi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Head Carmelita Marquez, ayaw na nilang maulit pa ang landslide na nangyari sa kanilang bayan.

Tuluy-tuloy aniya ang relief operations sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Dahil dito, naghahanda na at pinagpapaplanuhan nang mabuti ng municipal government ng Buhi ang pagdating ng mga matitinding kalamidad.

Isa na rito ay ang pakiusap sa mga kanilang kababayan na makinig sa advisory at babala ng sa bagyo at sumunod sa mga otoridad kung kinakailangan nang lumikas.

Kailangan din aniyang pangalagaan at mahalin ang kalikasan upang maiwasan ang matinding pinsala.

“Meron pa kaming relief operations, maraming tumutulong sa amin at nagbibigay ng tulong tulad ng bigas, pagkain, used clothings. Yung Provincial Government, Regional offices at national government nakakarating na po sa amin ang tulong. First time na nangyaring baha dahil sa tropical depression ang dami ng tubig. So hindi pwedeng iunderestimate ang ganoong mga panahon,” ayon kay Marquez.

https://youtu.be/tD2qG9vwmr8