Tag: Bagyong Rosita

Search operation sa 12- kataong nawawala sa nangyaring landslide sa Natonin, Mt. Province, nagpapatuloy

(Eagle News) — Patuloy na pinaghahanap ang labindalawa-katao mula sa nangyaring landslide sa Natonin, Mountain Province sa isinasagawang search and retrieval operations ng mga otoridad. Naka- focus ngayon ang operasyon sa ground zero ng pinangyarihan ng landslide matapos manalasa ang bagyong Rosita. Partikular na rito ang gusali ng Department of Public Works and Highways at iba pang istraktura na natabunan ng landslide. Dumating na rin sa ground zero ang mga heavy equipment na sinasabing magpapabilis […]

Mga pananim na palay sa probinsya ng Kalinga, winasak ng bagyong Rosita

(Eagle News) — Bagamat walang naitalang casualties, marami naman sa mga pananim na palay sa probinsiya ng Kalinga ang nasira ng bagyong Rosita. Ayon kay Governor Jocel Baac, nabuwal ang mga papatubo pa lang na mga palay dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo. Sa ngayon naibalik na ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan na pansamantalang pinutol kahapon dahil sa lakas ng hangin. Ngayong araw rin inaaasahang makakabalik na sa kanilang mga tahanan […]

Karamihan sa mahigit 1,000 pamilyang nagsilikas sa Cagayan, nakauwi na

(Eagle News) — Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang karamihan sa mahigit 1,000 pamilyang inilikas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Rosita. Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, hindi pa nila pinayagang makauwi ang ibang nagsilikas na naninirahan malapit sa Cagayan river dahil tumataas pa rin ang tubig at hinhintay pa nilang humupa ang alon. Magkagayunman, nagpapasalamat na rin ang Gobernador dahil walang nawasak na mga bahay at naitalang casualties at […]

Mga apektado ng tubig baha sa Ilagan, Isabela nag-evacuate na

(Eagle News) — Dahil sa tuloy-tuloy na pagpapakawala ng tubig sa Magat dam ay nararanasan na dito sa lungsod ng Ilagan, Isabela ang pagbaha sa ilang lugar. Ilang ilog na din ang nag-over-flow at pansamantalang hindi na madaanan. Sa barangay Bagumbayan, Sta. Barbara at Guinatan ay lumikas na ang mga nakatira sa apektadong lugar at umapaw na ang tubig baha sa mga bukid at hanggang sa gilid ng main road sa centro ng Ilagan. Ang […]

Epekto ng bagyong Rosita, naramdaman din sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija

(Eagle News) – Alas kwarto pa lamang ng madaling araw (4:00 AM) ngayong Martes, Oktubre 29 ng maramdaman ang mahinang hangin at panaka-nakang pag-ulan dito sa bayan ng Bongabon, subalit pagsapit ng alas-8:30 ng umaga ay biglang lumakas ang ulan na sinabayan din ng malakas na hangin. Kaya sa kalagayang ito ng panahon at sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyo ay agad namang nag-ikot ang mga kawani ng rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction […]

Mahigit 12,000 nasa evacuation centers ng Isabela dahil sa bagyong Rosita

(Eagle News) — Nasa 3,971 pamilya o 12,748 total evacuees na ang nasa iba’t ibang evacuation centers sa buong lalawigan ng Isabela matapos ang naging pag landfall ng bagyong Rosita sa lalawigan. Ito ay ayon sa impormasyon na ipinadala ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela bandang 11 ng umaga nitong Martes, Oktubre 30. Sa ngayon ay nakatuon na ang atensyon ng local government units sa pagbibigay ng mga makakain sa mga nasa evacuation centers. Bagamat nakaalis […]

Klase sa lahat ng antas sa Pangasinan sa Oct. 30-31 sinuspende na ng pamahalaang panlalawigan

(Eagle News) — Sinuspende na ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang klase sa lahat ng antas ngayong araw hanggang bukas dahil sa Bagyong Rosita. Sa inilabas na memorandum order ng provincial government ay ipinag-utos sa mga Pangasinanse ang maagang paghahanda sa posibleng hagupulit ng bagyo sa lalawigan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Maliban sa suspension ng klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan ay sinuspende rin ang trabaho sa local […]

NDRRMC, masusing nakamonitor sa mga rehiyong posibleng tamaan ng bagyong Rosita

(Eagle News) — Nakapagsagawa na ng Pre-Disaster Assessment ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa pagresponde sa mga maaapektuhan ng bagyong Rosita. Ayon kay NDRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, sa ngayon ay nasa sampung (10) lalawigan na ang isinailalim sa Tropical Cyclone warning signal number 2 at 26 na lugar naman ang nasa signal number 1 kasama ang ncr, at may mga isinailalim na ring lugar sa signal no. 3. […]

Isabela naghahanda na sa pananalasa ng Bagyong Rosita; klase sa lahat ng antas suspendido na mula Oktubre 29-31

(Eagle News) — Naglabas na ng Executive Order ang Provincial Government ng Isabela para sa suspensyon ng klase sa lahat ng antas, pribado at pampubliko mula Lunes hanggang Miyerkules, Oktubre 29-31. Kasama ring sinuspinde ang trabaho sa lahat ng opisina mapapribado o pampubliko, maliban sa mga tanggapan na magsisilbi sa rescue operation at emergencies. Ayon sa nasabing order ay layon nito na maging ligtas ang mga batang mag-aaral sa maging epekto ng paparating na bagyo […]