Provincial News

Ilang lugar sa MIMAROPA, Bicol at Visayas walang kuryente dahil sa bagyong “Nona”

Dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Nona patungong kanlurang bahagi ng bansa, pinutol na ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng MIMAROPA, Bicol at Visayas Region. Ang buong probinsya ng Romblon ay nakaranas ng total blackout matapos putulin ng power companies ang suplay ng kuryente dahil sa lakas ng hangin. Mula naman alas-onse kagabi ay wala naring kuryente sa mga isla ng Tablas at Sibuyan. Ayon sa Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) at […]

EVM Cup matagumpay na idinaos sa distrito ng Bulacan, Occidental at Oriental Mindoro

Patuloy na isinasagawa ng mga ministro at evangelical workers o mangagawa ng Iglesia Ni Cristo ang EVM Cup sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sa pagkakataong ito, isinagawa naman ang EVM Cup sa Occidental Mindoro na dinaluhan ng mga taga distrito ng Oriental Mindoro. Sa Bulacan naman, isinagawa na ang finals ng nasabing sports event. (Agila Probinsya Correspondents Alejandro Javier, Leslie Lazo, Hariz Drio)

Iba’t-ibang aktibidad isinagawa ng kapisanang KADIWA sa iba’t-ibang dako

Nagsagawa ng Team building Workshop ang mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales South at Cavite. Habang isang social gathering naman ang isinagawa sa Leyte. Ang nasabing social gathering ay tinawag na: “This is KADIWA”. Ang KADIWA o “Kabataang may Diwang Wagas” ay isang kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo kung saan ay binubuo ito ng mga kaanib na wala pang asawa mula edad 18 pataas. (Agila Probinsya Correspondents Ben […]

Family Fun Day ng Iglesia Ni Cristo

Matagumpay na naisagawa ang Minister’s Family Day sa distrito ng Zambales South sa isang resort sa Olongapo City. Masayang masaya ang bawat pamilya ng mga evangelical minister at evangelical workers Ng Iglesia Ni Cristo na dumalo sa okasyon. Nagkaroon ng  iba’t ibang magagandang palaro na inihanda ng kapisanang pansambahayan sa pangunguna ni kapatid Na Joseph Ocon, ang Katiwala sa Kapisanang Pansambahayan ng distrito. Katulad ng Deal or No Deal, Pinoy Henyo, Minister’s Bluff, Compatibility Test […]

EVM Cup Minister’s edition sa Cagayan

Isinagawa ang  EVM Cup sa lalawigan ng  Cagayan. Kasama sa nasabing sports event ang lalawigan ng  Abra at Ilocos Norte. Ginanap ito sa David’s  Sports And Fitness Center sa Brgy. Barit, Laoag City. Kasamang dumalo sa nasabing event ang mga evangelical minister at evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo sa mga nasabing probinsya. Kasama din nila ang kani-kanilang pamilya. Nagkaroon ng volley ball games na nilahukan ng mga kababaihan na dumalo at naging pinakatampok ng […]

Eco-farming Project ng Iglesia Ni Cristo

Opisyal ng ipinahayag ng kapatid na Glicerio B. Santos Jr., General Auditor ng Iglesia Ni Cristo ang proyekto na eco-farming sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato. Ayon sa General Auditor, bukod sa eco-farming ay magpapatayo rin ng tatlong libong bahay sa iba’t-ibang komunidad na sakop ng lupain ng tribong B’laan na mayroong 16,000 na ektarya. Bukod dito ay magtatayo rin ng clinic para sa agarang gamutan kung may nagkakasakit, ganoon na rin ang patubig o […]