Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tarlac City, nagsagawa ng Year End Socializing

Sa kabila ng pananalasa ng bagyong “Nona” sa bansa, naging matagumpay ang isinagawang Year End Socializing ng distrito ng Tarlac North na idinaos sa isang malaking mall sa lungsod ng Tarlac.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo maging ng mga nasa proseso pa lamang ng pag-anib sa loob ng Iglesia.Ito ay dinaluhan ng pitumpung (70) lokal na sakop ng distrito na pinangungunahan ni District Minister Armando A. Manas.

(Agila Probinsya Correspondent Aser Bulanadi)