Bagong barangay chapels pinasinayaan sa Ilocos Sur at Nueva Vizcaya

Dalawang bagong barangay chapels ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Sta. Maria, Ilocos Sur at Bambang, Nueva Ecija.

Labis naman ang naging kasiyahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na sila ay napagkalooban ng bagong barangay chapel. Kung saan ay doon nila maipagpapatuloy ang gawang paglilingkod sa Diyos.

Lubos din ang pagpapasalamat ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit na ipinadadama niya sa kabuuan ng Iglesia.

(Agila Probinsya Correspondents Jun Canlas, Noel Pangan, Jake Madrigal)