Lingap sa Mamamayan isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Sorsogon

Nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng Lingap sa Mamamayan sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation sa mga nasalanta ng bagyong “Nona” sa mga bayan ng Matnog, Gubat at Sorsogon City.

Pinangunahan ng District Minister, Bro. Macleo V. Ibasco ang pamamahagi sa mga naging biktima ng kalamidad.

Nakatakdang mamahagi pa sa ibang kabayanan ng Sorsogon. Tinatayang 3,00o pamilya ang agarang maabutan ng tulong mula sa Pamamahala ng Iglesia.

(Agila Probinsya Correspondent Andres Ocampo)