Provincial News

Power interruption mararanasan sa Isabela at Zambales

Ilang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Isabela at Zambales sa araw ng Biyernes, Disyembre 11. Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines ang power interruption ay magsisimula ng alas-ocho ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa ilang bahagi ng Santiago City at Ramon sa Isabela. (Agila Probinsya Correspondent Lyn Cabrido)

Presyo ng gulay, tumaas

Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong Lando. Sa Laguna tumaas ang presyo ng mga gulay dahil nagmahal rin umano ang pag-aangkat nito. (Agila Probinsya Arnel Aleroso)

Iba’t-ibang aktibidad sa pagpapatibay, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako

Iba’t-ibang aktibidad ang isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako. Layunin ng mga nasabing aktibidad na lalo pang pagtibayin ang pagkakaisa ng bawat kaanib nito ganoon na rin ang gawain pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos. Pinangunahan ng mga District Minister ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang EVM Cup sa lalawigan ng Ormoc City, probinsya ng Leyte. Habang sa Cotabato naman ay nagsagawa rin ng Buklod Night ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo […]

Buklod Night 2015 sa Albay at Pangasinan

Nagsagawa ang isang social gathering ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na kabilang sa kapisanang BUKLOD sa mga lalawigan ng Albay at Pangasinan. Ang kapisanang Buklod ay isa sa kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan ng mga may asawa. Layunin ng aktibidad na lalong pagbuklurin ang pagsasama ng mag-asawa hindi lamang ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo kundi maging sa mga umaanib pa lamang sa Iglesia. (Agila Probinsya Correspondent Glen […]

Pamamahagi ng English workbooks ng LGU-Iloilo, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng English workbooks lokal ng pamahalaan ng Ajuy sa pangungana ni Mayor Juan Alvarez at ng Sangguniang Bayan, sa pakikipagtulungan ng Synergeia Foundation sa presensya pa rin ni dating Board Member Jett Rojas sa ilalim ng proyekto ng JUANCHO o (Joint Undertakings for the Advancement thru Nurturing Children’s Hopes Opportunity) Program. (Agila Probinsya Correspondents Ramie Inventor, Andres Ocampo)

COMELEC-Bohol, nagsagawa ng on-site verification

Nagsagawa ng on-site verification ang Commission on Elections o COMELEC-Bohol para matukoy ang listahan ng mga botante at i-a-assign na polling precinct sa mga ito. Ayon Kay Malou Cempron, Election Assistant II ng provincial COMELEC Office,  ang proyekto na  precinct at on-site verification sa lalawigan ay upang matukoy kung ilan na mga botante ang pinyagang bumoto, mga kagamitan sa darating na halalan tulad ng precinct count optical  scan (PCOS) machine at iba pang election paraphernalia […]

DTI, sinaksihan ang techinical test sa Montero Sport

Matapos dumagsa ang mga reklamo laban sa Montero Sport na madalas umanong masangkot sa mga aksidente. Nagsagawa ng technical test ang Mistubishi Motors Corporation sa kanilang Montero Sport units na sinaksihan naman ng mga imbestigador mula sa Department of Trade and Industry. (Agila Probinsya Correspondent Wilson Palima)

Bagong barangay chapels ng INC ipinagkaloob sa Gloria, Oriental Mindoro at Sumadel, Kalinga

Sa patuloy na pagpapatayo ng Iglesia Ni Cristo ng barangay chapels sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa, pinasinayaan na ang bagong barangay chapel sa Brgy. Banutan, bayan ng Gloria, Oriental Mindoro. Samantala, isang barangay chapel din ang sinimulan itayo sa Brgy. Sumadel, Kalinga. Ang Sumadel ang isa sa pinakamalayong lokal ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga at bukod tanging hindi pa nararating ng sasakyan. Kaya naman labis ang kanilang naging pasasalamat dahil natupad […]

Anim na barangay chapel, pinasinayaan sa Misamis Oriental

Bagamat kilala ang Iglesia Ni Cristo sa naglalakihan nitong mga gusaling sambahan sa buong Pilipinas. Sunod-sunod ang pagpapatayo ng mga barangay chapel upang matugunan ang mga pangangailangang espiritwal ng mga kaanib at maging ng mga aanib pa lamang sa loob ng Iglesia. Kaugnay nito ay anim na barangay chapel ang pinasinayaan sa Misamis Oriental. Ang mga barangay chapels na ito ay tinawag na lokal ng CP Garcia at Talsao sa bayan ng Libertad, Dahilayan at […]

Iba’t-ibang social gatherings isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako

Iba’t-ibang social gatherings ang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Sa lalawigan ng Capiz ay isinagawa ng Iglesia Ni Cristo ang “Welcome Kapatid Ko,” kung saan ay pangunahin bisita sa nasabing aktibidad ang mga nasa proseso na ng pag-anib sa loob ng Iglesia ganoon na rin ang mga bagong kaanib pa lamang. Sa Pangasinan East naman ay isinagawa ang isang aktibidad na para sa mga Kabaataang may Diwang […]

Power interruption sa ilang lugar sa Pangasinan

Mahigit limang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Pangasinan sa Sabado, Disyembre 5. Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, sa mga bayan ng Sual, Alaminos, Mabini, Burgos, Dasol, Infanta, Agno, Bani, Anda at Bolinao ay mawawalan ng suplay ng kuryente mula als-siyete ng umaga hanggang alas-dose-y-medya ng tanghali. Ito ay para sa gagawing pagsasaayos ng ilang linya ng Panelco 1. Sa Sabado rin, magkakaroon ng power interruption […]