Iba’t-ibang aktibidad isinagawa ng kapisanang KADIWA sa iba’t-ibang dako

Nagsagawa ng Team building Workshop ang mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales South at Cavite. Habang isang social gathering naman ang isinagawa sa Leyte. Ang nasabing social gathering ay tinawag na: “This is KADIWA”.

Ang KADIWA o “Kabataang may Diwang Wagas” ay isang kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo kung saan ay binubuo ito ng mga kaanib na wala pang asawa mula edad 18 pataas.

(Agila Probinsya Correspondents Ben Salazar, Sandy Pajarillo, Pearl Lynben Carlos, Dan Pascual)