Binabantayang LPA naging bagyo na

Inaasahang papasok na rin ngayong araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa pang bagyo na ngayon ay nasa Pacific Ocean na may layong 1,425 kilometers sa Silangan, Timog-Silangan ng Mindanao.

Sakaling makapasok sa PAR ay papangalanan itong “Onyok”.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mababa ang tinatahak na direksyon ng bagyo na maaring tumama sa Eastern Mindanao, pero kung bahagyang tataas ay tatama ito sa Eastern Visayas sa susunod na Linggo.