Provincial News

Araw ng SONA, nagmistulang holiday sa Davao City

DAVAO City (Eagle News) — Sa kabila ng masungit na panahon noong Lunes, July 25 matiyang inabangan ng mga Dabawenyo ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ng bansa na si Rodrigo Roa Duterte sa Davao City. Nagmistulang holiday ang siyudad ng Davao dahil marami ang naghintay at kinasabikang mapakinggang muli ang mga payahayag pangulo. Ilang araw bago ang SONA, kapansin-pansin ang lalong pagdami ng mga tao na pumupunta ng Davao lalo na […]

Local Flight para sa Ormoc City to Cebu, magsisimula na sa darating na Nobyembre, 2016

ORMOC City, Leyte (Eagle News) —  Sa layuning maging accessible ang Ormoc City sa lahat ng mga turista, dayuhan o lokal man ay nakipag-pulong nitong Huwebes, July 21 si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa Area Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Ormoc City na si Allan Meode upang pag-usapan ang posibilidad ng pagkakaroon ng biyahe ang alinmang Airline Companies direktang papuntang Ormoc City. Samantala, nagkaroon ng positibong resulta ang nasabing pagpupulong dahil […]

Clean Up Drive isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang lugar sa Capiz

CAPIZ, Philippines (Eagle News) —  Pinangunahan ng mga Kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang Clean Up Drive sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Capiz. Ang ilan sa mga pinagsagawaan ng clean-up drive ay ang bayan ng Panitan, Mambusao at Panay. Nagdala ng kani-kaniyang gamit panglinis ang mga kaanib ng Iglesia gaya ng dust pan, walis tingting, kalaykay at mga sako na paglalagyan ng mga basura. Nasa 500 na mga kaanib ang buong kasiglahang nakipagkaisa para sa […]

Demand ng tuna sa Gen. Santos City, bumaba

GENERAL Santos City, Philippines (Eagle News) –Bumaba ng sampung porsyento ang bagsakan ng tuna sa General Santos City sa unang kalahati ng taon. Ito ay dahil sa pagbaba umano ng demand ng frozen raw materials mula sa local tuna canneries. Sa datos ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), umabot lang sa higit  isang daang libong metriko tonelada ang bagsakan ng sariwa at frozen tuna kumpara sa higit isang daan at labing-apat na libo noong 2015. […]

Bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Capiz, pinasinayaan

DULUNGAN, Capiz (Eagle News) — Isa na namang gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan  sa lalawigan ng Capiz sa pangunguna ng District Supervising Minister ng Capiz na si kapatid na Jose Pascua. Ang malayo at mabulubunduking lugar ng barangay Bughaan, Dulangan, Capiz ay pinatayuan ng INC ng isang maganda at maayos na gusaling sambahan upang may magamit ang mga kaanib dito sa kanilang paglilingkod. Ipinagpasalamat naman ng marami ng mga kaanib sa lugar […]

Lalawigan ng Capiz, nakiisa sa pagsasagawa ng ika-38th National Diasability Prevention and Rehabilitation Week

Eagle News. Masayang isinagawa sa Pueblo De Panay Robinson’s Mall Ground ang 38th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Karapatan ng may Kapansannan, Isakatuparan… Now Na!”. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Persons With Disability Affairs Office (PDAO) na dinaluhan din ng mga tagapanguna ng PWD at City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Nagkaroon ng mga programa at intermission ang mga PWD na nakabagbag ng damdamin sa mga manonood. Binigyang-diin […]

Mga estudyante ng EVSU pinangunahan ang blood donation; Ormoc City Mayor Gomez, isa sa nagdonate

ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Masayang pinangunahan ng mga estudyante ng Eastern Visayas State University (EVSU) Ormoc City Campus ang blood donation noong Martes, July 19, 2016 na isinagawa sa Function Hall ng nasabing unibersidad. Para sa mga mag-aaral ang ganitong aktibidad ay napakalaking tulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na may karamdaman na nangangailangang masalinan ng dugo. Bakas sa mga mukha ng mga donor ang kagalakan na makatulong at makasagip ng […]

Laoac-PNP namahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng day care sa Pangasinan

LAOAC, Pangasinan (Eagle News) — Namahagi ng school supplies ang Laoac-Philippine National Police (PNP) sa Day Care Center ng Barangay Cabilaoan West at Calmay, Laoac, Pangasinan. Ang pamamahaging school supplies ay sponsor ng tatlong butihing mamamayan ng nasabing bayan na ayaw magpakilala. Ito ay pinangunahan ni SPO2 Abigail Somequiab, Under Cop Advise. Ayon sa kaniya ay lubos ang kanilang pasasalamat sa mga nagmagandang-loob na nag-donate ng school supplies para matulungang makapagsimulang mag-aral ang mga batang ang mga magulang […]

PNK Day, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Ormoc City para sa mga batang kaanib

ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang isang aktibidad na tinawag nilang “PNK DAY” para sa mga batang miyembro nito. Ang PNK ay mga batang kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo na nasa kalagayang ang edad ay 4 na taon hanggang 12 anyos o hindi pa nababautismuhan. Sa pangunguna ng mga opisyales ng nasabing kapisanan nagtungo sila sa Ipil Central School kung saan idinaos ang […]

Lingap-Pamamahayag, isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Apayao

LUNA, Apayao (Eagle News) — Matagumpay at masiglang naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa Luna Gymnasium, Luna, Apayao. Sa nasabing aktibidad, isa sa mga itinataguyod ng INC ay ang Labanan ang Kahirapan (Fight Poverty). Pinangunahan ni Bro. Bernardino E. Sabado, District Supervising Minister ng Cagayan West ang nasabing aktibidad. Dinaluhan ito ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula sa iba’t ibang lugar ng Cagayan at lalawigan ng Apayao. Bago isinagawa ang […]