Provincial News

Klase sa Pre-school hanggang High School sa Northern Cagayan , suspendido dahil sa bagyong Carina

Eagle News —  Idineklara noong linggo, July 31, 2016 ni Gov. Manuel Mamba na walang pasok sa lahat ng antas sa Northern Cagayan habang suspendido ang klase sa Pre School hanggang Senior High School ngayong araw, Lunes, August 1, 2016. Ito ay upang mailayo sa anumang kapahamakan ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa posibleng pagbaha na idulot ng bagyong Carina. May-iiral man na Typhoon Warning Signal ngayong araw o wala ay pinasususpinde ng Gobernador […]

400 siklista sumali sa Fun Bike 2016 sa Nueva Ecija

Eagle News — Pinangunahan ni Major General Angelito De Leon, Commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang mga siklista sa 52 kilometrong Fun Bike na tinaguriang “Kaugnay Fun Bike 2016” bilang paggunita sa ika-28 Founding Anniversary ng naturang dibisyon ng Army. Nagsimula ang ruta ng mga siklista sa Fort Magsaysay, naglakbay patungo sa Gen. Tinio, Peñaranda, San Leonardo Diversion Road, Sta. Rosa Bypass Road, Vergarda Highway Bypass Road, Laur-Pag-asa Junction, pagkatapos ay bumalik […]

Oplan Tokhang: 383 drug user at pusher sa San Jose City, Nueva Ecija, nanumpa para sa pagbabagong-buhay

  SAN JOSE City, Nueva Ecija (Eagle News). Dinaluhan ni Mayor Mario ‘Kokoy” Salvador ang sabay-sabay na  panunumpa  ng  383  na  sumukong illegal drug users at pushers na nangakong hindi na gagamit ng illegal na droga at magbabagong buhay. Ito ay may kinalaman pa rin sa programang “Oplan Tokhang” na kampanya kontra droga ng Philippine National Police (PNP). Sa mensahe ni Mayor Salavador, kailangan aniyang seryosohin ng mga sumuko ang pagbabagong buhay para sa kanilang sarili, pamilya at bayan, dahil may pag-asa pang naghihintay sa kanila. Naglaan naman ng  programang pangkaunlaran at pangkabuhayan ang pamahalang lungsod para sa mga ito gaya ng ‘Cash and Food for Work’ kung saan  ang  mga  nagbabalikloob  ay  magtratrabaho para sa komunidad at makikiisa sa pangangalaga sa kalikasan para sila’y may pagkakakitaan at pagkaabalahan. Bibigyan din sila ng pagkakataong makapag-aral  sa  pamamagitan ng TESDA Vocational Training Course. Bubuo rin ng mga organisasyon sa mga barangay na tutulong sa mga dating nalulong sa illegal na droga para malaman kung ano ang kani-kanilang mga pangangailangan upang tuloy-tuloy silang makapagbagong buhay. Nagkaroon din ng drug testing na pinangunahan ng City Health Office. Courtesy: Emil Baltazar – Nueva Ecija Correspondent      

Small scale mining sa bansa, tututukan din ng DENR

BAGUIO City, Philippines — Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi lamang ang mga malalaking mining companies ang kanilang tututukan. Ito ang binigyang-diin ni Denr Assistant Secretary Atty. Juan Miguel Cuña sa ginanap na 1st Cordillera Summit 2016 sa lungsod ng Baguio. Sinabi ni Cuña na isasailalim din sa audit ang mga small scale mining upang malaman ang compliance ng mga ito sa tamang paraan ng pagmimina. Ayon sa Mines and […]

Friendly match ng Phil. Azkals vs. Perth Glory, isinagawa sa Ilocos Sur

ILOCOS Sur (Eagle News) — Dinagsa ng libu-libong Ilocano at karatig ng Probinsiya ang Quirino Stadium, Bantay, Ilocos Sur, noong Martes ng gabi, July 26. Kung saan ay nasaksihan ang friendly match ng Philippine Azkals laban sa Perth Glory ng Australia, ngunit bigo ang Philippine football team Azkals. Naging dikit ang laban sa first half kung saan walang nakapag-goal sa magkabilang team. Ngunit pagsapit ng ika-67 na minuto ng second half, isang magandang pasa mula sa kaliwa […]

Ika-10 Barangay Chapel sa Distrito ng Cagayan South pinasinayaan

Tuguegarao City, Cagayan – Kasabay ng paggunita sa pagsapit ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanyang 102nd anibersaryo. Pinasinayaan naman ang isa pang barangay chapel sa distrito Eklesiastiko ng Cagayan South kahapon , ika-27 ng Hulyo. Ito ay  ang  ika-sampung barangay chapel  na pinasinayaan sa bagong extension na pinangalanang Pinopoc Extension ng lokal ng Calantac. Bukod nito ay may dalawa pang chapel ang tapos na ring gawin at hinihintay na lamang na mapagtibay ng Pamamahala ng Iglesia […]

Pres. Duterte, bumisita sa Fort Magsaysay

CABANATUAN City, Nueva Ecija (Eagle News). Isang araw matapos ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA), bumisita noong Martes, July 26  si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Fort Magsaysay na tahanan ng ilang yunit ng Philippine Army. Isinagawa ang Command Conference sa mga opisyal ng 7th Infantry Division o 7ID, Special Operations Command, Army Artillery Regiment, Combat Arms Schools Training and Doctrines Command, at Army Aviation Battalion. Ito ay sinundan ng pakikipagugnayan sa may 500 sundalo sa 7ID Covered Court. Sa […]

Medical Mission ng Iglesia ni Cristo sa Barangay Dalupirip, Itogon, Benguet, matagumpay na naisagawa

ITOGON, Benguet (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo ang Medical Mission sa Barangay Dalupirip, Bayan ng Itogon. May kalayuan man ito ay sinikap ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na makarating sa nasabing dako. Marami sa nasabing Barangay ang nabiyayaan ng serbisyong dental, libreng check-up at libreng gamot. Namahagi rin ng goodie bags sa ating mga kababayan. Ngunit ang pinakatampok sa nasabing aktibidad ay ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos  na sinasampalatayanan ng Iglesia […]

Lingap-Pamamahayag, isinagawa sa lalawigan ng Aklan bilang paggunita sa ika-102 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo

MALINAO, Aklan (Eagle News) —  Kaugnay ng Paggunita ng Iglesia Ni Cristo sa pagsapit sa kaniyang Ika-102 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pilipinas ay matagumpay na naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng mga kaanib nito sa lalawigan ng Aklan. Isinagawa ito sa Barangay Bolabod, Malinao, Aklan. Layunin ng nasabing aktibidad na maitaguyod ang pagsunod sa aral na tulungan ang mahihirap at nangangailangan. Sa kasalukuyan ay itinataguyod nang Iglesia Ni Cristo ang programa nitong “Labanan ang Kahirapan” (Fight against Poverty). Ang […]

“Run to Celebration,” isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Kanlurang bahagi ng Leyte

Eagle News — Kaugnay sa ika-102 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo ay nagsagawa ang mga kaanib nito sa kanlurang bahagi ng Leyte ng isang aktibidad na tinatawag nilang “Run to Celebration”. Sabay-sabay nila itong isinagawa sa limang dako na sentro ng kanilang mga sub-district na kinabibilangan ng Ormoc City, Baybay City, Isabe, Villaba at Naval. Alas 4:00 ng madaling araw nitong Martes ay nagsipagdatingan na sila sa kani-kanilang mga dako. Bago nila sinimulan ang pagtakbo ng tatlong kilometro ay nagsagawa muna ng […]

KADIWA Meet and Greet, isinagawa ng mga kabataang Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan

URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) —  Matagumpay na naisagawa ang isang aktibidad ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East) na tinawag na “KADIWA Meet and Greet”. Dinaluhan ito ng mga Pangulo, Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Kapisanang KADIWA na kinabibilangan ng mga kabataang may edad labingwalo pataas at wala pang asawa. Ang mga dumalo ay nagmula sa mga lokal ng Iglesia Ni Cristo sa silangang bahagi ng Pangasinan. Sa nasabing […]

Dabawenyo, lalong hinangaan si Pangulong Duterte, matapos ang unang SONA

DAVAO City (Eagle News) — Lalo pang hinagaan ng mga Dabawenyo ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang kauna-unahang nitong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, July 25. Matiyagang inabangan at kinasabikan ng lahat lalo pa’t ang tinuturing na ama ng Davao at tinatawag ng ilan na “Tatay Digong” ay nagpakahayag na muli ng kaniyang mga plano at gustong mangyari para sa kapakanan ng lahat. Sa lungsod ng Davao, bagama’t naging masungit ang panahon […]