Provincial News

Mga kapulisan namahagi ng babasahin kontra iligal na droga

Eagle News — Namahagi ang mga kapulisan sa bayan ng Carmen, Surigao del Sur ng babasahin para sa kampanya kontra iligal na droga sa mga Senior High School Students sa nabanggit na bayan. Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng massive campaign against illegal drugs. (Eagle News Dennis Ravelo -Mula dito sa Tandag City Correspondent)

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Compostela Valley, matagumpay na naisagawa

COMPOSTELA Valley, Philippines (Eagle News). Mahigit 1,500 ang dumalo na mga bisita at mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa isinagawang Lingap-Pamamahayag noong Lunes, August 1, 2016 na ginanap sa Montevista Gymnasium, Montevista, Compostela Valley Province. Ito ay bilang paunang aktibidad sa pagdiriwang ng unang taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Distrito ng Compostela Valley Pasado 2:00 ng hapon ay sinimulan ang Medical Mission para ibahagi sa mga kababayan natin sa nasabing lugar ang libreng Medical Services. Namahagi rin ng […]

Tulong na serbisyo medikal sa mga detainee ng Urdaneta City District Jail, matagumpay na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo

URDANETA City Pangasinan (Eagle News). Hindi nagpahadlang ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa masungit na panahon upang maisakatuparan ang kanilang adhikain na makapagbigay tulong at libreng serbisyo medikal para sa mga detainee ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Anonas, Urdaneta City Pangasinan.  Matagumpay itong naisagawa sa pakikipagtulungan na din ng mga pamunuan ng nasabing piitan sa pangunguna ni Jail Warden Roque Constantino Sison III. Nagbigay ang INC ng mga basic necessities […]

“Welcome Kapatid Ko,” isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan

PANGASINAN (Eagle News). Kahit na masungit ang kalagayahn ng panahon, masaya pa ring naisinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East) ang “Welcome Kapatid Ko.” Isinagawa ito ng sabay-sabay sa apat na dako tulad ng; Urdaneta Pozorrubio Rosales Tayug Ang nasabing aktibidad ay isang programa ng Iglesia Ni Cristo para sa mga kasalukuyan nilang dinodoktrinahan at sinusubok na nasa proseso para maging kaanib sa INC. Dumalo rin sa […]

Apat na barangay sa Tambulig, Zaboanga del Sur, isinailalim sa State of Calamity dahil sa matinding pinasala ng pagbaha

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) —  Isinailalim na sa State of Calamity ang apat na Barangay sa Bayan ng Tambulig, lalawigan ng Zamboanga del Sur ngayong araw ng Lunes, August 1, dahil sa matinding pinsala ng pagbaha dulot ng pag-apaw ng tubig sa Salug River Daku. Base sa ulat ni Ginoong Nilo Munoz, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (Tambulig MDRRMO), ang alkalde aniya ng Tambulig na si Mayor Protacio Aleman ang […]

Masamang lagay ng panahon dahil sa Bagyong Carina, naranasan sa lalawigan ng Mountain Province

Eagle News — Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan na may mahinang hangin sa lalawigan ng Mountain Province na nagsimula pa noong Linggo ng umaga, July 31, 2016 at inaasahan na ito ay magpapatuloy pa dahil sa masamang lagay ng panahon bunga ng Bagyong Carina sa ating bansa. Nakaalerto na ang lahat ng sangay ng Pamahalaan sa pangunguna ng Provincial Derector ng DILG na si Anthony Manolo Ballug inabisuhan na nila lahat ng kanilang sakop lalo na ang DRRMCs at LGU para sa Disaster […]

Pagmamahal sa kalikasan at kapuwa, ipinadama ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quezon

INFANTA, Quezon (Eagle News) — “Linis Dalampasigan” ang masiglang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quezon (Northern Quezon) noong Sabado, July 30, 2016 bilang paggunita sa isinagawang Buwan ng Nutrisyon na itinalaga ng pamahalaan. Isinagawa nila ito sa Brgy. Dinahican Infanta, Quezon na pinagunahan ni Bro. Isaias Hipolito ang District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga Ministro at pamilya ng mga ito. Masiglang nakipagkaisa ang maraming mga kaanib sa nasabing aktibidad para […]

Umaanib sa Iglesia ni Cristo sa Malolos City Jail, patuloy na nadaragdagan

MALOLOS, Bulacan (Eagle News). Ang pagpapalaganap ng pananampalataya ng Iglesia ni Cristo ay walang pinipiling tao at dako. Kamakailan lamang ay muling nagsagawa ng bautismo ang INC sa mga bagong kaanib nito sa piitan ng Malolos City Jail. Ang nasabing bautismo ay pinangunahan ni Bro. Felix Bautista, Assistant District Supervising Minister ng Distrito ng Bulacan South. Ayon sa mga inmates, ang mga aral na kanilang natanggap na itinuro sa kanila mula pa lamang ng sila […]

Klase sa Pre-school hanggang High School sa Northern Cagayan , suspendido dahil sa bagyong Carina

Eagle News —  Idineklara noong linggo, July 31, 2016 ni Gov. Manuel Mamba na walang pasok sa lahat ng antas sa Northern Cagayan habang suspendido ang klase sa Pre School hanggang Senior High School ngayong araw, Lunes, August 1, 2016. Ito ay upang mailayo sa anumang kapahamakan ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa posibleng pagbaha na idulot ng bagyong Carina. May-iiral man na Typhoon Warning Signal ngayong araw o wala ay pinasususpinde ng Gobernador […]

400 siklista sumali sa Fun Bike 2016 sa Nueva Ecija

Eagle News — Pinangunahan ni Major General Angelito De Leon, Commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang mga siklista sa 52 kilometrong Fun Bike na tinaguriang “Kaugnay Fun Bike 2016” bilang paggunita sa ika-28 Founding Anniversary ng naturang dibisyon ng Army. Nagsimula ang ruta ng mga siklista sa Fort Magsaysay, naglakbay patungo sa Gen. Tinio, Peñaranda, San Leonardo Diversion Road, Sta. Rosa Bypass Road, Vergarda Highway Bypass Road, Laur-Pag-asa Junction, pagkatapos ay bumalik […]