Ilang bahagi ng Jaen, Nueva Ecija mawawalan ng suplay ng kuryente

JAEN, Nueva Ecija Mahigit siyam na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Jaen, Nueva Ecija bukas Agosto 10 at sa susunod na Miyerkules, Agosto 17.

Batay sa anunsyo ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative o NEECO 1, ang power interruption ay magsisimula ng 8:30 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang: San Vicente, Calabasa, Hilera, Pakul, Lambakin, Pamacpacan, Sta Rita, Marawa at Imbunia.

Ito ay upang bigyang daan ang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente sa bahagi ng San Vicente.