SCAN International pinangunahan ang isinagawang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios ng Iglesia Ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan

URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) — Sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Pangasinan, Distrito ng Pangasinan East, isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios sa isang mall sa Urdaneta City, Pangasinan. Pinangunahan ito ng mga opisyales ng Society of  Communicators and Networkers (SCAN) International. Ang nagturo naman sa nasabing pamamaahayag ay si Bro. Ignacio Garcia, Jr.

Bahagi ng isinagawang paghahanda ng nasabing aktibidad ay namahagi sila ng mga polyeto sa loob ng gusali. Nakipagkaisa din ang mismong manager ng mall na nakapagdala ng maraming panauhin para makinig sa nasabing Pamamahayag. Layunin ng aktibidad na maibahagi sa mga hindi pa kaanib sa INC ang mga aral na kanilang sinasampalatayanan.
Ang mga miyembro ng INC  sa nasabing lalawigan ay patuloy na nakikipagkaisa sa ganitong gawain. Nangangako sila na hindi nila pababayaan ang gawain pagpapalaganap at mamalaging kaisa ng kasalukuyang Pamamahala ng INC sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister.
Courtesy: Rusell Failano, Jericho Jade Madolid, at Luz Abaya – Urdaneta City, Pangasinan Correspondents

02d3db6b-b843-4b91-b83d-04bb2f4f7e9d

4fc95bd6-eaf3-4229-83ee-35a3c278c2f1

9ab12c96-14a9-4af2-975f-26329550f22e

011d8105-c63a-44b4-b180-a5e1b96f0ea2

51f391da-22ef-463c-a1ad-fe5ac4eef474

0482caf0-e7f7-4552-92a4-0edeb40e59d7

81467bac-ab15-4358-94ed-f536d52a7072

b2356be5-99fb-4750-9a23-6def649cc802

d69af582-a983-447a-876c-314033a5cbb0

de6e9c9b-44b6-4c36-8563-60a61dc41f42