Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag kahit sa mga liblib na Barangay sa Aklan

MADALAG, Aklan (Eagle News) —  Ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay wala pilipiling dako para tumulong sa ating mga kababayan. Katunayan kahit sa isang liblib na bahagi sa lalawigan ng Aklan ay nagsagawa sila ng Lingap-Pamamahayag. Isinagawa ito sa Barangay Catabana, Madalag, Aklan.

Bagamat biglang bumuhos ang ulan dulot ng Bagyong Carina ay dinaluhan pa rin ng maraming kaanib sa INC kasama ng kanilang inanyayahang mga panauhin ang nasabing aktibidad. Ang pinangunahan ni Bro. Manuel A. Nasol. Sr. District Supervising Minister ng Distrito ng Aklan ang pagtuturo ng mga salita ng Diyos na pinakatampok sa nasabing aktibidad.

Pagkatapos ng pagtuturo ng mga aral ng Diyos ay namahagi naman ng goody bags ang mga kaanib ng INC sa mga kababayan natin sa dakong ito. Labis ang pagpapasalamat ng mga residente sa pangunguna ni Barangay Captain Remedios Qunitio sa ipinagkaloob ng INC na tulong sa kanila.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang isinagawang aktibidad.

(Eagle News Alan Gementiza – Aklan Correspondent)

1fccf8e7-aceb-4603-aca0-260cd44fbce1

3a3f4eae-1093-4c16-8d5f-5f1e198d0116

3a6b5ab4-cb92-40b6-a6ac-b07267710117

8b11a782-4b06-4fe9-a7e4-3323be9a8748

33fd06e3-37b5-4dc8-8ee7-69f8488cbc99

0997fee8-1c3f-4de9-a2c0-b8a5b420a6cf

8805c5a6-8eba-459d-8e3e-e9d4569f5641

4552233e-c47e-453e-9878-8b059670bfb0

ca648efe-928b-411c-9b1b-87e14652af67

ec61c5cf-1732-4b52-8620-d87996e2c025