Umaanib sa Iglesia ni Cristo sa Malolos City Jail, patuloy na nadaragdagan

MALOLOS, Bulacan (Eagle News). Ang pagpapalaganap ng pananampalataya ng Iglesia ni Cristo ay walang pinipiling tao at dako. Kamakailan lamang ay muling nagsagawa ng bautismo ang INC sa mga bagong kaanib nito sa piitan ng Malolos City Jail. Ang nasabing bautismo ay pinangunahan ni Bro. Felix Bautista, Assistant District Supervising Minister ng Distrito ng Bulacan South.

Ayon sa mga inmates, ang mga aral na kanilang natanggap na itinuro sa kanila mula pa lamang ng sila ay dinudoktrinahan ay sadyang tumimo sa kanilang puso at isipan. Sa patuloy nilang pakikinig ay napatunayan nila na lahat ng aral na kanilag narinig ay mula sa Biblia at lubos nila itong sinasampalatayanan kaya silang nagpasiyang magpabautismo sa Iglesia Ni Cristo. Para sa kanila ang mga turo at aral ng INC ang gumabay sa kanila para makapanumbalik sa paglilingkod sa Diyos.

Bakas na bakas sa mga bagong kaanib ng INC ang labis na kaligayahan sapagkat ito na aniya ang kanilang unang hakbang upang matamo ang tunay na kaligtasan na kakamtin ng mga hinirang ng Diyos pagdating ng araw ng paghuhukom. Ang pangako nila ay patuloy na tutuparin at susundin ang mga aral na kanilang natanggap. Hindi rin aniya nila sasayangin ang pagkakataon na natawag sila sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Sa lahat din aniya ng pagkakataon ay lagi silang kaisng diw ng pamamahala at lubos na magpapasakop sa pangunguna ni INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo.

(Eagle News, Sharmaine Amper – Bulacan Correspondent)

photo_2016-07-30_00-17-20_502482719473664501

photo_2016-07-30_18-26-12_502482719473664502

 

photo_2016-07-30_18-26-36_502482719473664504

photo_2016-07-30_18-26-38_502482719473664505

 

photo_2016-07-30_18-26-54_502482719473664510

photo_2016-07-30_18-27-01_502482719473664512

photo_2016-07-30_18-27-04_502482719473664513

 

 

photo_2016-07-30_18-27-32_502482719473664521