“Welcome Kapatid Ko,” isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan

PANGASINAN (Eagle News). Kahit na masungit ang kalagayahn ng panahon, masaya pa ring naisinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East) ang “Welcome Kapatid Ko.” Isinagawa ito ng sabay-sabay sa apat na dako tulad ng;
  1. Urdaneta
  2. Pozorrubio
  3. Rosales
  4. Tayug
Ang nasabing aktibidad ay isang programa ng Iglesia Ni Cristo para sa mga kasalukuyan nilang dinodoktrinahan at sinusubok na nasa proseso para maging kaanib sa INC. Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang naging panauhin nila noong nakaraang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios na isinagawa noong July 29, 2016 na pinangunahan ng mga kalihim (secretariat) sa bawat lokal.
Sa programa isinagawa ay nagpakitang gilas ang mga kapatid na may talento sa pag-awit at pagsayaw. Nagkaroon din ng mga palaro sa mga dinudoktrinahan at sinusubok at namahagi rin sila ng mga give-aways. Ang aktibidad ay nagdulot ng kasiglahan sa mga dumalo na ito ay pinangunahan nina Bro. Nelson H. Mañebog, District Supervising Minister at Bro. Almario Elepaño, Assistant District Supervising Minister.
Courtesy: Jericho Jade Madolid – Urdaneta City, Pangasinan Correspondent
2a16e684-da64-4d28-9a09-c231ecad0ff6 2d89c62b-95b8-40c2-94e9-17c69e3e9b73 53e12c47-4a4a-4d50-a922-6ba74eed7fdd 460030ad-2013-4708-8652-c2d68b35f724 1007503f-2592-4e48-8964-cdc7214245a7 ba1b3e77-cbb0-4fee-8c7e-80a2c37426df c7080e21-14c3-43ae-a8bb-0866920af7ae d54e3aac-5451-42bc-a204-d948b31b42cf (1) d54e3aac-5451-42bc-a204-d948b31b42cf d74896b1-ffa0-4ac1-84a6-96531661fc56 df3df33c-a3d3-4e4e-bc63-2b66287e2fae e597cea6-580d-4639-a661-05912c6ce374 f49a9382-872c-4320-9cd3-a539cee8fb91