BANGA, Aklan (Eagle News) – Dumagsa sa bayan ng Banga, Aklan, ang napakaraming ibon na tinatawag nilang ‘salimbabatang’ o ‘barn swallows’ na naglalagi sa mga gawad ng kuryente. Naging tila agarang ‘tourist attraction’ ang mga nasabing ibon ngunit abala naman para sa ilang mga dumaraan at mga residente na malapit sa crossing ng Banga Rotonda sa Brgy. Poblacion. Nagbabala si Ms. Ma. Corazon Teodosio, Senior Ecosystem Management Specialist ng Department of Environment and Natural Resources […]
Provincial News
Malaking pawikan na-rescue sa Ipil, Zamboanga Sibugay
IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Isang malaking pawikan ang nalambat ng mga mangingisda na mayroong bigat na 180 kilograms. Ang nasabing pawikan ay kabilang sa species ng green sea turtle na isa umanong endangered species. Ayon kay Felix Badon, Ipil MENRO, nahuli ng lambat ng mangingisda ang pawikan sa Sibakya, Barangay Sanito ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Agad itong ipinagbigay-alam sa kanilang tanggapan. Ito na ang ika-98 marine sea turtle na narescue ng LGU-Ipil mula noong taong […]
30 aftershocks, naramdaman sa Batangas dahil sa 5.5 magnitude na lindol
(Eagle News) — Sunud-sunod na aftershock ang naranasan ng malaking bahagi ng Batangas at mga kalapit lalawigan makaraang tumama ang 5.5 magnitude na lindol sa bayan ng Tingloy, Batangas kagabi, Abril 4 sa ganap na 8:58 PM. Mula sa magnitude 5.4, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang magnitude ng lindol sa 5.5. Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity V sa Batangas City, Malvar at Calatagan sa Batangas. Intensity […]
Mahigit dalawang daang baby sea turtle pinakawalan sa baybaying dagat ng Mariveles
https://youtu.be/hdeDB_Ai9Rk MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Mahigit 200 baby sea turtle ang pinakawalan ng Municipal Environment and Natural Resources at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bayan ng Marivels, Bataan. Isinagawa ito sa magkahiwalay na petsa sa dalawang barangay sa baybaying dagat nito. Madalas matagpuan ng mga mangingisda sa tabing dagat ang mga pawikan na nangingitlog sa dalampasigan o sa buhanginan. Kaya agad na nilang inirereport ito sa BFAR para sa pagdadala sa Hatchery sa […]
Libreng tuli para sa mga kabataan, isinagawa sa Parañaque City
PARAÑAQUE CITY, Metro Manila (Eagle News) – Umabot sa 100 na mga kabataang lalaki ang nakinabang sa isinagawang libreng tuli. Ito ay proyekto taun-taon na pinangunahan ng Barangay Committee on Health at sa pakikipag-koordenasyon ng mga Health Center Workers at Department of Health ng Barangay Sun Valley, Parañaque City. Isinagawa ito noong Abril 4, 2017. Ang mga kabataang kalalakihan na may edad na hindi bababa sa 12 taong gulang ang naserbisyunan ng proyekto. Layunin nito […]
Libreng Skills Training isinagawa ng MFS Training Center at TESDA
MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Umabot sa 245 ang bilang ng mga Marilenyo ang sumailalim sa pagsasanay sa iba’t ibang skills program ng Mario F. Santiago Livelihood and Skills Training Center para sa unang quarter ng taong ito. Ilan dito ang pagsasanay para sa electrical installation and maintenance, massage therapy, bread and pastry production, food and beverage service, housekeeping at marami pang iba. Nagsagawa muna ng orientation bago simulan ang pagsasanay para sa mga naging benepisaryo ng […]
Programang ‘Feeding for the Children,’ patuloy na isinasagawa sa Surigao del Sur
MARILAG, Surigao del Sur (Eagle News) – Patuloy na isinasagawa ng Philippine National Police-Marihatag sa Surigao del Sur ang Feeding for the Children Program. Ang huling pinagsagawaan nila ay ang Barangay Poblacion na kung saan halos 100 mga bata ang nakanibang sa nasabing programa. Isa sa kanilang tinututukan sa kasalukuyan ay ang mga kabataan. Pinag-aaralan nila kung paano malikhang mga responsable ang mga ito. Nais nilang mailayo ang mga bata sa anumang krimen o pagamit ng iligal na […]
Mas pinaigting na check point ng PNP-Lianga isinagawa para sa darating na long weekend
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Naghigpit na naman ng seguridad ang Lianga Municipal Police Station sa ipinapatupad nitong checkpoint sa mga pangunahing kalsada sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur. Isa-isang iniinspeksyon ang mga pumapasok at lumalabas sa nasabing bayan dahil sa napabalitang may mga sasakyang naglalaman umano ng Improvised Explosive Device (IED) na papunta sa Koronadal City at General Santos City. Nais ng PNP Lianga na mapanatili ang peace and order sa lugar dahil […]
Galing Bataan Trade Fair sa Balanga, Bataan binuksan na
BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Binuksan ng Bataan Tourism ang ‘Galing Bataan Trade Fair’ sa Plaza Mayor de Balanga. Ito ay isa sa mga aktibidad na isinagawa bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Bataan. Naorganisa ito sa pagtutulungan ng Bataan Tourism, DTI, Bataan Peninsula Tourism Council. Halos 44 micro, small and medium enterprises o MSME’s ang lumahok para i-showcased ang kanilang mga produkto, tulad ng: Dried fish Fish sauce Shrimp paste […]
Mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Mariveles, Bataan nagsagawa ng coastal clean-up drive
MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang coastal clean-up drive ng mga kabataang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Matel Beach, Mariveles, Bataan noong Linggo, April 2. Isinagawa ang nasabing aktibidad upang makatulong sa Lokal na Pamahalaan ng Mariveles sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Makaiiwas din aniya ang publiko na pumupunta sa beach sa anumang uri ng sakit dulot ng maruming basura naitatapon sa dagat. Larry Biscocho – EBC Correspondent, Bataan
Habal-habal terminal sa Dapitan City, binuksan na sa publiko
DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Binuksan na sa publiko ang habal-habal terminal na ipinagkaloob ng Lokal na Pamamahalaan sa Barangay Bagting, Dapitan City. Isinagawa ang pormal na pagbubukas sa pamamagitan ng cutting of ribbons at turn-over ceremony na dinaluhan ni City Administrator Wilberth Magallanes, OIC, City Engineer Gerry Icao, at Joseph Alvi Agolong, Economic Enterprise Head. Sinaksihan rin ito ng mga opisyales sa naturang barangay at ng mga habal-habal driver. Layunin aniya ng pagtatayo […]
Php 1-M mula sa DOLE ipinagkaloob para sa pangkabuhayan project sa Marilao, Bulacan
MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Isa ang Bayan ng Marilao, Bulacan sa masuwerting napagkalooban ng DOLE ng isang milyong piso para sa pangkabuhayang project. Ito ay ilalaan naman ng Pamahalaang Bayan para sa mga maliliit at nagnanais na magkaroon ng puhunan para sa maliit na negosyo. Ang DOLE Starter Kit mula sa Programang Bottom-up Budgeting ay ang programang makapagbibigay tulong sa mahigit na 300 indibidwal na nagnanais magsimula ng kanilang maliit na negosyo o pangkabuhayan para sa taong […]





