Galing Bataan Trade Fair sa Balanga, Bataan binuksan na

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Binuksan ng Bataan Tourism ang ‘Galing Bataan Trade Fair’ sa Plaza Mayor de Balanga. Ito ay isa sa mga aktibidad na isinagawa bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Bataan.

Naorganisa ito sa pagtutulungan ng Bataan Tourism, DTI, Bataan Peninsula Tourism Council. Halos 44 micro, small and medium enterprises o MSME’s ang lumahok para i-showcased ang kanilang mga produkto, tulad ng:

  • Dried fish
  • Fish sauce
  • Shrimp paste
  • Bags
  • Walis at iba pa

Ang Trade Fair ay tatagal hanggang April 9, 2017.

Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataa