Programang ‘Feeding for the Children,’ patuloy na isinasagawa sa Surigao del Sur

MARILAG, Surigao del Sur (Eagle News) – Patuloy na isinasagawa ng Philippine National Police-Marihatag sa Surigao del Sur ang Feeding for the Children Program. Ang huling pinagsagawaan nila ay ang Barangay Poblacion na kung saan halos 100 mga bata ang nakanibang sa nasabing programa.

Isa sa kanilang tinututukan sa kasalukuyan ay ang mga kabataan. Pinag-aaralan nila kung paano malikhang mga responsable ang mga ito. Nais nilang mailayo ang mga bata sa anumang krimen o pagamit ng iligal na droga.

Kaalinsabay ng nasabing proyekto ay ang mga pagbisita ng mga kapulisan sa mga eskwelahan para magturo at magbigay ng mga gabay sa mga bata.

Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao del Sur