Provincial News

Mahigit 700 Barangay sa Iloilo Province, drug free

IloIlo (Eagle News) — Aabot na sa 719 na barangay sa lalawigan ng Iloilo ang naideklarang drug free. Ayon kay Iloilo Police Provincial Office Director Senior Superintendent Harold Tuzon, ito ay walumpung porsyento ng 895 barangays na kanilang na-identify na apektado ng iligal na droga. Dahil rito, aabot nalang aniya sa 176 barangays ang natitirang laganap parin ang operasyon ng illegal drugs. Aminado naman si Tuzon na ang hamon sa kanila ngayon ay kung paanong […]

Suplay ng iligal na droga sa Davao City, bumaba na

DAVAO CITY (Eagle News) — Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Adzar Albani bumaba na ang ang supply ng iligal na droga sa Davao City dahil sa epektibong paraan ng pagkakampanya upang maiwasan ito. Sa ngayon ay nakasentro ang mga ginagawa nilang buy bust operations sa mga karatig probinisya. “Dahil sa bumaba ang supply ng iligal na droga sa lungsod ay tumaas naman ang presyo ng bawat gramo nito,” pahayag ni Albani. Batay […]

DENR Sec. Roy Cimatu, personal na isinilbi ang show cause order, suspension for tree cutting sa Ipilan Nickel Corporation

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Personal na isinilbi noong Sabado, Mayo 20 ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang show cause order at Notice of Suspension for tree cutting permit at earth bulling laban sa suspendidong minahan na Ipilan Nickel Corporation. Kasama ni Cimatu si DENR undersecretary Marlon Mendoza, DENR Re-Director Natividad Bernardino at iba pang Law Enforcement Agencies. Ito ay upang tuluyan ng matuldukan ang ginagawa ng kontrobersyal na large […]

DENR Sec. Roy Cimatu personal na iniabot ang show cause order ng Ipilan Mining Corp.

PALAWAN (Eagle News) — Personal na ibinigay ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa Nickel Mining Corporation ang kanilang show cause order at Notice of suspension for tree cutting permit at earth bulling nitong Linggo (Mayo 21). Ito ay upang tuluyan ng matuldukan ang ginagawa ng kontrobersyal na large scale mining company na pamumutol ng nasa mahigit 15, 000 puno sa bayan ng Brooke’s Point. Ang show cause order na pirmado ni OIC […]

Jomalig Island sa Quezon, dinadagsa na ng mga turista

JOMALIG ISLAND, Quezon (Eagle News) – Daan-daang mga turista ang patuloy na nagpupunta sa Jomalig, Quezon (Jomalig Island) dahil sa kaniyang malinis at magagandang dalampasigan. Taglay nito ang malakristal sa linaw na tubig at ginintuang buhangin. Kasama pa ang mga mababait at mapagtitiwalaang mga residente sa nasabing lugar. Ito ang hinahanap ng mga turistang nabibingi na sa ingay ng siyudad at naghahanap ng tahimik at magandang puntahan. Kapag pupuntahan ang lugar na ito ay iduduyan […]

Drug surrenderees sa Camiling, Tarlac nakipagkaisa sa Brigada Eskwela

CAMILING, Tarlac (Eagle News) – Natawag ang pansin ang ilang mga guro at principal ng mga paaralan sa Camiling, Tarlac sa ginawang pagsanib pwersa ng mga drug surrenderee at mga tauhan ng Camiling Police V Station sa isinagawang Brigada Eskwela 2017. Ang mga nasabing drug surenderee na nasa Bahay Pagbabago Reformation Center ay hinimok ni Police Chief Insp. Rustico Raposas, Hepe ng Camiling Philippine National Police kasama ang kaniyang mga tauhan na lumahok sa naturang programa. Tumulong sila sa pag-aayos ng […]

“Save a Life, Learn CPR” seminar, isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Tuwing panahon ng summer ay inaasahan na marami  ang mga bakasyunistang dumadayo sa mga naggagandahang beaches sa Palawan dahil sa malinaw at mala-kristal na tubig sa karagatan. Kasabay ng pagdami ng mga bakasyunista ay ang pagtaas din ng porsyento ng mga nalulunod sa karagatan sanhi sa hindi marunong lumanggoy o iba pang bagay. Sa nakaraang buwan ay marami ang naitalang kaso ng pagkalunod at may namatay din bunga ng nasabing […]

30 bahay natupok ng apoy sa Sto. Nino, Baybay City, Leyte

BAYBAY CITY, Leyte (Eagle News) – Naiwang sinaing ang itinuturong dahilan ng pagkakatupok ng mahigit na tatlumpung kabahayan sa Sto. Nino, Baybay City, Leyte. Nangyari ang nasabing insidente noong Biyernes, Mayo 19 bandang 10:00 ng umaga. Nagsimula ang sunog sa bahay ni G. Eduardo Quillasa. Ayon sa mga kapitbahay, nagsaing umano ang pamilya Quillasa gamit ang panggatong na kahoy at iniwan ito na walang nagbabantay. Ito ang itinuturong dahilan ng pagkatupok ng mahigit sa 30 na […]

Endangered barn owl natagpuan ng mga bata sa Asuncion, Davao Del Norte

ASUNCION, Davao del Norte (Eagle News) – Isang endangered barn owl ang ibinigay ng tatlong bata sa Asuncion Municipal Police Station, Asuncion, Davao Del Norte noong Huwebes, Mayo 18. Ayon kay Chief of Police Edmund Montillano ng Asuncion MPS, natagpuan umano ng tatlong bata ang nasabing owl na hinang-hina na at hindi na makakain. Hindi na rin ito makalipad dahil sa natamong sugat sa kanang pakpak nito. Kaya ipinasya ng mga bata na i-turn over ito sa […]

Ex-Davao City Police Director, itinalagang unang hepe ng National Anti-Illegal Drug Task Force

DAVAO City (Eagle News) — Inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Senior Superintendent Vicente Danao Jr., dating Director ng Davao City Police Office (DCPO), bilang Commander ng National Anti-Illegal Drug Task Force sa ilalim ng bagong nalikhang Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD). Naging opisyal ang pagkaka-appoint sa kanya pagkatapos na mailabas ang kanyang appointment papers nitong nakaraang Miyerkules, Mayo 17, 2017. Pangunahing naka-atas sa Task Force ang “sustained anti-illegal drug operations” o ang […]

Kapitan ng barangay, patay sa pamamaril sa Iligan

ILIGAN City (Eagle News) – Patay ang isang kapitan ng barangay matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang mga salarin kahapon sa Iligan City. Kinilala ang biktima na si Saray Brgy. Captain Robert “Dodong” Fuentes. Ayon sa mga awtoridad, pinagbabaril si Fuentes ng mga suspek sa harapan ng isang hardware store habang nakasakay sa isang multicab na barangay patrol vehicle. Kaagad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara ito ng mga manggagamot na […]

2 nahuli sa shabu buy-bust operation sa Tarlac

GERONA, Tarlac (Eagle News) — Dalawang magkasunod na buy-bust operation ang isinagawa ng mga awtoridad sa Tarlac, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang lalaki na umano’y tulak ng shabu. Kinilala ang mga nahuli kamakailan na sina Joselito Guerrero Siguin, 57, at Tito Batin Ylarde, 41. Kapwa naaresto sina Siguin at Ylarde matapos bentahan nila ng iligal na droga ang mga police poseur-buyer sa Barangay Abagon, Gerona. Sina Police Supt. Franklin Estoro, hepe ng PNP Gerona, at Police […]