Provincial News

2 dating pulis patay sa magkahiwalay na operasyon sa Batangas

BATANGAS CITY, Batangas (Eagle News) – Patay ang dalawang dating pulis sa Batangas matapos ang magkahiwalay na police operation laban sa kanila ng mga awtoridad kamakailan. Sa Laurel, Batangas, dead on arrival ang dating pulis na nakilalang si Rolando Rodriguez, Jr. Ayon sa report, maghahain sana ng warrant of arrest kay Rodriguez ang Provincial Special Weapons and Tactics Team at ang Laurel Philippine National Police nang paputukan ng suspek ang mga awtoridad sa loob ng kanilang bakuran. Si Rodriguez ay sinasabing isang gun […]

Magde-deliver sana ng shabu, nahuli ng Tarlac Police

RAMOS, Tarlac (Eagle News) — Isang hinihinalang tulak ng shabu ang naaresto sa Tarlac kamakailan. Naaresto si June Lacsinto Valix, 38 anyos, ng mga nagpapatrolyang pulis sa Barangay Coral Ramos. Ayon sa mga pulis, nilapitan lamang nila kahinahinalang lalaki nang bigla itong kumaripas ng takbo. Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang aluminum foil at isang plastic sachet na pawang may mga lamang shabu na inaalam pa kung ilang gramo.   Sa isinasagawang monitoring at mga natatanggap na impormasyon, isang […]

Zamboanga PNP, hinigpitan ang seguridad sa mga coastal barangay

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Inisa-isa ng mga tauhan ni Supt. Nonito Asdai, hepe ng Police Station-6 ng Zamboanga Police Office, ang pag-iinspeksiyon sa mga pumapasok na bangka na may mga pasahero mula Basilan at Sulu. Nais ni Asdai na matiyak na hindi magamit ng mga masasamang elemento ang kaniyang area of responsibility, lalo na ng mga sympathizer at supporter ng mga Abu Sayyaf na gustong takasan ang opensiba ng sundalo sa mga lugar na yun. Nagpasalamat naman si […]

“Partnership Project” ng DepEd-Davao at ORT Israel, ipinatupad na ngayong pasukan

DAVAO CITY (Eagle News) – Ipinatupad na ang isang partnership project sa pagitan ng Department of Education sa Davao at isang nonprofit organization sa Israel kamakailan. Sa ilalim ng proyekto sa pagitan ng Dep-Ed Davao at ORT Israel, isang leading educational network para sa science and technology education, mag-aadopt ang ORT Israel ng public high school sa siyudad upang ito ay maging center at role model para sa excellence in technology and methodology. Bahagi din ng proyekto ang incorporation ng […]

Bohol board member faces criminal raps over wife’s death

Authorities now scouring waters for Bien Unido, Bohol Mayor Gisela Boniel’s body (Eagle News) — Police are now searching the waters for the remains of Bien Unido, Bohol Mayor Gisela Boniel, whose killing was believed to have been masterminded by her own husband, Bohol Board Member Nino Rey Boniel, and as such is now facing criminal charges. “As we are talking now, elements of police and coast guard are already scouring the area,” Senior Supt. Jonathan Cabal, Cebu […]

Pangasinan, may mataas na kaso ng acute gastroenteritis

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) — Pinag-iingat ng Provincial Health Office ang publiko matapos maitala ang mataas na kaso ng acute gastroenteritis sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa PHO, umabot na sa mahigit 5,000 ang naitalang kaso ng acute gastroenteritis doon. Ayon din sa PHO ay nasa 19 na ang nasawi dahil sa nasabing sakit. Karamihan sa mga biktima ay edad 5 taon pababa. Nanawagan ang PHO sa publiko na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. […]

50 barangay sa Dapitan, isinailalim sa Disaster Awareness and Risk Seminar Workshop

DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Isinailalim sa Disaster Awareness and Risk Assessment Seminar Workshop ang 50 barangay na sakop ng Dapitan na ginanap sa Dapitan Resort Hotel noong Miyerkules, Hunyo 7. Pinangunahan ito ng LGU Dapitan at CDRRMO na pinangunguluhan ni Engr. Nelson Quimiguing. Layunin nito na madagdagan pa ang kaalaman ng mamamayan sa mga pamamaraan at kung paano paghahandaan ang mga kalamidad tulad ng baha at lindol. Naging pangunahing tagapagsalita si Dr. […]

Daan-daang sako ng relief goods, ipinadala sa mga apektado ng bakbakan sa Marawi City

ISABELA, Basilan (Eagle New) – Nagpadala ng daan-daang sako ng bigas, kahun-kahong mga de lata at relief goods ang lalawigan ng Basilan sa mga apektado ng krisis sa Marawi. Ayon kay Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Nixon Alonzo, ang pagpapadala ng mga relief goods ay sa ilalim ng inisyatibo na tinatawag na “Sagip Marawi.” I Nakipagkaisa rin sa inisyatibong ito ang mga business sector, private institutions, at iba pa sa Basilan. Tumulong sa pagre-repack ng […]

Mahigit 100 pamilya na lumikas mula sa Marawi, nagtungo sa Bukidnon

MALAYBALAY CITY, Bukidnon (Eagle News) – Umabot sa mahigit 100 pamilya ang lumikas mula sa Marawi City patungong Malaybalay, Bukidnon. Ayon kay Malaybalay Mayor Ignacio Zubiri, ang 105 na pamilya o katumbas ng 416 na indibidwal na lumikas ay kasalukuyang nakikituloy sa kanikanilang mga kamag-anak na nasa iba’t ibang barangay ng lungsod. Kaugnay nito, tinipon ng lokal na pamahalaan ang mga nasabing evacuees sa covered court ng Barangay 9 at isinagawa ang ‘profiling’ sa mga […]

Isang granada nahukay sa Dipolog City

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nahukay ang isang granada sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakailan. Si Jeffrey Tubo Saloma, residente ng San Jose, ang nakahukay umano ng granada na nakabaon sa lupa sa Magsaysay Street, Miputak. Agad namang rumesponde ang mga pulis ng Dipolog City Police Station. Na-recover ang naturang MK-2 Training Grenade na nakabalot sa isang plastik. Nasa kustodiya na ng naturang explosives and ordnance division personnel ang nasabing granada para sa tamang disposisyon. Photos […]

Summer youth camp laban sa iligal na droga, isinagawa sa Zamboanga del Norte

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Umabot sa mahigit 700 na kabataan ang nakilahok sa isinagawang Summer Youth Camp 2017 sa Zamboanga del Norte. Ginanap ito sa Polanco Gym, Polanco noong Hunyo 2 at 3 na may temang “Kabataang ayaw sa iligal na droga.” Pinangunahan ito ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police at Department of Social Welfare and Development. Ipinahayag ni Atty. Clemente Carollo, Jr. kung paano niya […]

Pagbubukas ng klase sa Davao naging matiwasay; inspeksyon sa mga checkpoint mahigpit pa ring ipinatutupad

DAVAO CITY (Eagle News) – Sa kabuuan ay naging matiwasay ang pagbubukas ng klase ngayong taon ayon sa Davao City Police Office (DCPO). Sinabi ni Senior Insp. Ma. Teresita Gazpan, spokesperson ng DCPO, na walang natalang insidente o krimen sa pagbalik ng mga estudyante sa mga paaralan sa siyudad. Ayon naman sa Police Regional Office (PRO) XI, nasa 5,000 na mga pulis ang ikinalat sa iba’t-ibang paaralan sa buong rehiyon, hindi pa kasama ang police auxiliary forces. […]