Daan-daang sako ng relief goods, ipinadala sa mga apektado ng bakbakan sa Marawi City

ISABELA, Basilan (Eagle New) – Nagpadala ng daan-daang sako ng bigas, kahun-kahong mga de lata at relief goods ang lalawigan ng Basilan sa mga apektado ng krisis sa Marawi.

Ayon kay Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Nixon Alonzo, ang pagpapadala ng mga relief goods ay sa ilalim ng inisyatibo na tinatawag na “Sagip Marawi.” I

Nakipagkaisa rin sa inisyatibong ito ang mga business sector, private institutions, at iba pa sa Basilan.

Tumulong sa pagre-repack ng mga goods ang mga boluntaryo.

Jun Cronico – EBC Correspondent, Isabela, Basilan