Magde-deliver sana ng shabu, nahuli ng Tarlac Police

photo_2017-06-06_20-57-43 photo_2017-06-07_09-22-10

RAMOS, Tarlac (Eagle News) — Isang hinihinalang tulak ng shabu ang naaresto sa Tarlac kamakailan.

Naaresto si June Lacsinto Valix, 38 anyos, ng mga nagpapatrolyang pulis sa Barangay Coral Ramos.

Ayon sa mga pulis, nilapitan lamang nila kahinahinalang lalaki nang bigla itong kumaripas ng takbo.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang aluminum foil at isang plastic sachet na pawang may mga lamang shabu na inaalam pa kung ilang gramo.

 

Sa isinasagawang monitoring at mga natatanggap na impormasyon, isang dayong drug personality na nagmula pa sa bayan ng Paniqui, Tarlac si Valix.

 

Si Valix ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nakapiit ngayon sa Ramos Police detention cell. (Godofredo Santiago and Aser Bulanadi Eagle News Service Tarlac correspondents)