Provincial News

Grupong Kadamay nanawagan ng kapayapaan para sa Mindanao

KALIBO, Aklan (Eagle News) – Nagsagawa ng rally sa Aklan ang Kadamay noong Lunes (June 12) at Martes (June 13). Isinagawa nila ito sa Crossing Banga, New Washington, Kalibo. Nilahukan ito ng ilang mga magulang kasama ang mga kabataang mga Aklanon. Ang dahilan ng pagtitipon ng grupo ay may kaugnayan pa rin sa paggunitang Ika-119 na Kalayaan ng Bansa.  Nanawagan sila kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kapayaan sa Mindanao lalo na anila sa Marawi City. Nais din […]

PNP-Madrid namahagi ng larawan ng most wanted personalities sa mga mamamayan

MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng mga kopya ng larawan ng mga Most Wanted Personalities ang ilang personnel ng Madrid Police Station nitong Martes, June 13. Ito ay bahagi ng kanilang ikinakampanya kontra krimen, terorismo, at iligal na droga. Hinihikayat nila ang publiko na patuloy na makipag-ugnayan sa mga otoridad, alang-alang sa  kapayapaan at seguridad ng bawat isa. Dennis Revelo – EBC Correspondent, Madrid, Surigao del Sur

2 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf, arestado sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Hindi na nakawala pa sa kamay ng awtoridad ang dalawang pinaniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf. Naaresto sina Saling Kisar y Sabbadin at Benhar Omar y Yusof na kapwa taga-Sulu sa inilunsad na joint police and military operation sa may Logoy Diutay, Brgy. Talon-talon, kamakailan. Mismong ang mga residente sa nasabing lugar ang nagbigay ng impormasyon sa awtoridad kaugnay sa pagpasok ng mga armadong lalaki sa kanilang komunidad. Nakuha sa dalawa ang isang […]

Maranao civil society leaders, nais makadayalogo ang Pangulo

Eagle News – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na umano ang nais na makausap ng mga civil society leaders na Maranao ukol sa nagpapatuloy na bakbakan sa tropa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City. Ayon kay Ranao Rescue Team spokesperson Samira Gutoc-Tumawis, humihingi lang sila ng kaunting panahon ng Pangulo para maipresenta nila ang anila’y alternative views sa kung paano masosolusyunan ang gulo. Aniya, may mga bagay silang nais na direktang sabihin sa […]

Ginunita sa iba’t-ibang panig ng bansa ang Ika-119 anibersaryo ng Kalayaan

  Eagle News   Cavite – Pinangunahan nina Senador Panfilo Lacson at Toursim Secretary Wanda Teo ang pagdiriwang ng 119th Independence Day Celebration sa Kawit, Cavite.   Kasama sa mga naging aktibidad sa pagdiriwang ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa balkonahe ng mansyon ni Hen. Emilio Aguinaldo kung saan doon din unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas.   Matapos ito ay ang wreath laying activity naman sa puntod ni Hen. Aguinaldo.   Batangas – Ginunita […]

Independence Day job fair, isinagawa sa Urdaneta, Pangasinan

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Mahigit 5,000 trabaho ang inialok sa mga taga-Urdaneta City at sa mga karatig bayan nito sa isinagawang Independence Day Mega Job Fair ngayong araw (June 12). Ang aktibidad na ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay may kaugnayan sa selebrasyon ng kalayaan ng bansa na may temang “Pagbabagong Sama-samang Balikatin.” Ayon kay Fresnaida A. Gundan, Head-Eastern Pangasinan Field Office ng DOLE-Region 1, may 20 overseas at 50 local recruitment […]

119th Independence Day, ipinagdiwang sa Roxas, Palawan

ROXAS, Palawan (Eagle News) – Sa Roxas, Palawan ay maagang pinasimulan ang pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng kalayaan ng bansa. Nilahukan ang isang parada ng lahat ng mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng lokal ng pamahalaan, kabilang ang mga nasa hukbong tagapamayapa ng bayan sa pangunguna ng kanilang mga in-charge officers. Kasama sa naging pagdiriwang ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani. Nagbigay ng iba’t ibang inspirational messages ang mga kinatawan […]

4 patay matapos lumubog ang isang pumpboat sa karagatan sa Romblon

Eagle News — Apat ang kumpirmadong patay matapos bumaliktad ang isang pampasaherong bangka at lumubog ito sa karagatan nitong Biyernes. Isa sa namatay sa insidente ng paglubog ng pumpboat sa karagatan sa pagitan ng Romblon at Sibuyan island ang resident doctor ng Sibuyan District Hospital na si Dr. Laudemir Famarin. Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlo na dead on arrival sa Romblon District Hospital. Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang search and rescue operations […]

2 dating pulis patay sa magkahiwalay na operasyon sa Batangas

BATANGAS CITY, Batangas (Eagle News) – Patay ang dalawang dating pulis sa Batangas matapos ang magkahiwalay na police operation laban sa kanila ng mga awtoridad kamakailan. Sa Laurel, Batangas, dead on arrival ang dating pulis na nakilalang si Rolando Rodriguez, Jr. Ayon sa report, maghahain sana ng warrant of arrest kay Rodriguez ang Provincial Special Weapons and Tactics Team at ang Laurel Philippine National Police nang paputukan ng suspek ang mga awtoridad sa loob ng kanilang bakuran. Si Rodriguez ay sinasabing isang gun […]

Magde-deliver sana ng shabu, nahuli ng Tarlac Police

RAMOS, Tarlac (Eagle News) — Isang hinihinalang tulak ng shabu ang naaresto sa Tarlac kamakailan. Naaresto si June Lacsinto Valix, 38 anyos, ng mga nagpapatrolyang pulis sa Barangay Coral Ramos. Ayon sa mga pulis, nilapitan lamang nila kahinahinalang lalaki nang bigla itong kumaripas ng takbo. Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang aluminum foil at isang plastic sachet na pawang may mga lamang shabu na inaalam pa kung ilang gramo.   Sa isinasagawang monitoring at mga natatanggap na impormasyon, isang […]

Zamboanga PNP, hinigpitan ang seguridad sa mga coastal barangay

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Inisa-isa ng mga tauhan ni Supt. Nonito Asdai, hepe ng Police Station-6 ng Zamboanga Police Office, ang pag-iinspeksiyon sa mga pumapasok na bangka na may mga pasahero mula Basilan at Sulu. Nais ni Asdai na matiyak na hindi magamit ng mga masasamang elemento ang kaniyang area of responsibility, lalo na ng mga sympathizer at supporter ng mga Abu Sayyaf na gustong takasan ang opensiba ng sundalo sa mga lugar na yun. Nagpasalamat naman si […]

“Partnership Project” ng DepEd-Davao at ORT Israel, ipinatupad na ngayong pasukan

DAVAO CITY (Eagle News) – Ipinatupad na ang isang partnership project sa pagitan ng Department of Education sa Davao at isang nonprofit organization sa Israel kamakailan. Sa ilalim ng proyekto sa pagitan ng Dep-Ed Davao at ORT Israel, isang leading educational network para sa science and technology education, mag-aadopt ang ORT Israel ng public high school sa siyudad upang ito ay maging center at role model para sa excellence in technology and methodology. Bahagi din ng proyekto ang incorporation ng […]