Provincial News

Report ng pagdukot sa isang negosyante sa Dipolog City, hindi totoo, ayon sa PNP

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Hindi totoo ang nireport na pagdukot sa isang negosyante sa Dipolog kamakailan. Ayon kay Supt. Lito Laurio Andaya, si Deogracias Orguillas Recososa, may-ari ng isang tindahan sa Brgy. Galas, sa halip ay nasasangkot sa tinatawag na “kidnap-me” case. Si Rosa Monera Wong ang nagreport sa pulisya na nadukot si Recososa ng pitong kalalakihan na lulan ang isang itim na van sa Galas, ala-una ng hapon noong ika-2 […]

3.2-magnitude quake jolts Pasuquin, Ilocos Norte

PASUQUIN, Ilocos Norte (Eagle News) – A 3.2-magnitude earthquake jolted the town of Pasuquin, Ilocos Norte on Wednesday. The quake was recorded at 9:43 a.m., 32 kilometers north of Pasuquin. According to the Philippine Institute of Volcanology and Seismology, the earthquake has a depth of 27 kilometers and is of tectonic origin. There were no expected aftershocks. https://youtu.be/RMbilqPFosI

“No meat day,” ipinatupad sa Polanco, Zamboanga del Norte kasabay ng pagsisimula ng Nutrition Month

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Ipinatupad ang no-meat day sa Polanco, Zamboanga del Norte, kasabay ng pormal na pagbubukas ng isang buwang selebrasyon ng Nutrition Month. Walang halong karne ang niluto lalo na sa mga karenderya sa lugar nang pinangunahan ng Rural Health Unit noong Lunes, July 3, ang pagbubukas ng nasabing selebrasyon. Ang nasabing nutrition month 2017 ay may temang “Healthy diet gawing habit for life,” na naglalarawan sa tama at balanseng pagkain. […]

Dansalan College na ginawang kuta ng Maute Group, nabawi na ng militar

MARAWI CITY, Lanao del Norte (Eagle News) – Nabawi na ng militar ang Dansalan College na ginamit bilang stronghold ng Maute Terror Group sa Marawi City. Isang buwan ding inokupahan ng mga terorista ang nasabing eskwelahan. Sinunog pa nila ang ilang bahagi nito nang una nilang salakayin ang lungsod. Ang eskwelahan ay nagsilbing pwesto sa mga sniper at mga humahawak ng machine gun sa panig ng mga terorista. Ayon kay Task Force Marawi Spokesperson Lt. […]

Another “person of interest” in Bulacan massacre, killed

(Eagle News) — Another one of the persons of interest in the killing of an entire family in San Jose del Monte, Bulacan has been killed. Rosario, the mother of Roosevelt Turima, alias “Ponga,” said in a radio interview that two men wearing masks entered their house in Barangay Sto. Cristo around 11 a.m. on Wednesday, and shot him. Turima was rushed to the hospital but was declared dead. “Hindi adik yan kasi kung adik […]

Supplier ng baril ng Maute group, natunton ng PNP

LIPA CITY, Batangas (Eagle News) — Natunton ng mga awtoridad ang nagsu-supply ng baril sa Maute Terror Group sa Marawi City. Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, naaresto na nila ang lider ng grupo na si Rommel Litan, at ang mga miyembrong sina Rommel Quinones, Angelo Magcamit, at Rey Quinones. Base sa record ng Philippine National Police-Criminal Investigation Detection Group, mula December 2015, aabot na sa 671 na mga imitation […]

Isang miyembro ng bandidong grupo na Abu Sayyaf, arestado sa Basilan

LAMITAN  CITY, BASILAN (Eagle News) – Naaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa  Lamitan City, Basilan. Si Ismael Gampal, na nag-o-operate sa Basilan, ay naaresto ng mga operatiba ng 19th Special Forces Company ng 4th Special Forces Batallion kamakailan. Narekober mula sa kaniya ang isang M16 rifle, ilang war materials, military backpack at uniforms. Si Gampal ay dinala sa headquarters ng mga operatiba sa Brgy. Dangcalan, Lamitan City para […]

Midnight deals na pinasok umano ng Meralco, pinabulaanan

(Eagle News) – Mariing itinanggi ng pamunuan ng Manila Electric Company (MERALCO) ang alegasyong may midnight deals sa pitong power supply agreements na pinasok nito. Agad na nilinaw ng Meralco sa joint hearing ng House committee on good government and public accountability at committee on energy na dumaan sa tamang proseso ang pitong supply agreements na may 20 taong kontrata. Binigyang-diin pa ni Ivanna dela Peña, 1st Vice President ng Meralco, na hindi madedehado ang mga consumer […]

Surigao del Norte, nakiisa sa Nutrition Month at National Disaster Consciousness Month

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Nakiisa ang Surigao del Norte sa pagdiriwang ng buwan ng Nutrition at National Disaster Consciousness na may temang “Healthy Life Gawing Habit for Life at 4ks: Kamalayan sa Kahandaan Katumbas ay Kaligtasan.” Maaga pa lang noong Lunes (July 3) ay nagtipun-tipon ang mga empleyado at mga representante mula sa iba’t ibang ahensya sa gobyerno para sa maikling programa na pinangunahan ni Dr. Arlene Felizarta ng Provincial Health […]

Bagong mayor ng Mabalacat City, Pampanga, opisyal na umupo sa puwesto

MABALACAT CITY, Pampanga (Eagle News) – Opisyal na umupo sa puwesto si Crisostomo Garbo bilang bagong mayor ng Mabalacat City, Pampanga. Naiproklama si Garbo noong June 27  pagkatapos kanselahan ng Commission on Elections en banc ang certificate of candidacy ni dating Mayor Marino Morales, at matapos ideny ng Regional Trial Court ng Angeles City Branch 58 ang hinihinging injunction ni Morales. Si Garbo, na tumakbo sa pagkamayor ng lungsod noong May 2016 elections, ang siyang […]

Red tide alert, itinaas sa Puerto Princesa City

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Itinaas ang red tide alert sa Puerto Princesa  dahil sa pagsibol ng algae. Ito na ang ikalawang red tide alert sa Puerto Princesa ngayong taon. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa red tide toxins ang mga sample na nakuha sa mga baybayin ng Bay of Honda. Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal ang paghuli at pagbebenta ng halaan, talaba at tahong mula sa mga ito. […]

Isa sa “persons of interest” sa masaker sa Bulacan, natagpuang patay

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan (Eagle News) – Natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa San Jose del Monte nitong Lunes ang isa sa itinuturing na “person of interest” sa pagpatay sa limang miyembro ng isang pamilya sa nasabing lungsod. Nakahandusay sa gilid ng kalsada ang bangkay na mayroong nakataling karatula sa leeg na may nakasulat na na “adik at rapist ako huwag tularan.” Kinumpirma ng mga awtoridad na ang natagpuang bangkay sa Northwinds Phase […]